Labels

Monday, August 13, 2018

TALUMPATI

Talumpati

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. 




KAIBIGAN


Madaming nagsasabing mahirap magkaroon ng tunay na kaibigan. Bakit nga ba mahirap magkaroon ng tunay na kaibigan sa panahon natin ngayon? samantalang palakaibigan naman ikaw, ako tayo. pero may mga tao talagang hindi pala kaibigan iilan lang naman saatin ang ganon dahil sa panahon natin ngayon hindi ka mabubuhay kapag hindi ka nakikipagusap lalo na't kapag kailangan mong magtanong.


Oo, mahirap magkaroon ng kaibigan sa panahon natin ngayon dahil andyan yung salitang plastik ,traydor, talo-talo at iba pa. Sa pagkakaibigan kailangan nyo ng tiwala, tiwala sa isa't isa na para bang magkasintahan narin kayo dahil sa pagkakaibigan hindi mawawala ang sabihan ng mga problema. Isa itong mahalaga sa buhay natin bukod sa mga pamilya natin.

Kung kaya't pag may nahanap kang kaibigan na mapagkakatiwalaan at maasahan sa kahit ano pang problemang dumating at hindi ka kailan man iniwan sa mga panahong siya ay kailangan mo ay wag mo ng sayangin dahil minsan ka na lang makahanap ng tunay na kaibigan dahil hindi lahat ng kaibigan, ay kaibigan talaga dahil ang iba kaibigan ka lang pag may kailangan. 

Inilikha ni: Joy M. Alcantara




KASALANAN NYA? O KASALANAN MO?

     2000 taon na ang nakalipas ng may isang taong nagsakripisyo at nag-alay ng kaniyang buhay para sa lahat. inalay ang buhay para maligtas ka, tinaggap ang hirap at sakit para sa buhay mo. Isa yan sa mga hindi naiisip ng mga kabataan ngayon dahil sa murang edad pa lamang ay alam na ang pagbibisyo pagiinom,paninigaril­yo at kung ano ano pang mga bisyo na nakasisira sa katawan, sa murang edad palang ay suko na sa buhay dahil sa mga problemang sila naman ang may kagagawan na pagkatapos ay magagalit at sisihin ang diyos susumbatan ng kung ano ano at sasabihin sya ang nagkulang ngunit hindi naisip ang mga sakripisyong ginawa para lang sa buhay mo. 

      Nagagawang lumayo sa panginoon sa pagiisip na hindi sila mahal at sila'y iniwan ngunit hindi naisip ng mga kabataan na ang pagibig ng diyos ay para sa lahat at na Mahal ka nya kahit lumalapit ka lang pag may kailangan ka, mahal ka nya kahit makasalanan ka. Ang mga kabataan ngayon ay madaling sumuko sa buhay at maimpluwensyahan ng mga masamang gawain tulad ng pagbibisyo hindi na inisip ang magiging kapalit ng kanilang mga kinikilos kung kaya't kapag napahamak ay naghahanap ng masisisi.

     Ngayon ang tanong  siya nga ba ang dahilan? ang Diyos nga ba ang may kasalanan o baka ikaw naman talaga ang may problema. baka ikaw naman talaga ang may mali at sanhi ng problemang kinakaharap mo at naghahanap ka lang ng masisisi. sa buhay natin minsan kailangan natin maging totoo at tapat para harapin ang kung anong mga pagkakamaling nagawa natin. ngunit hindi dapat matapos sa pagtanggap dapat ay magbago din. kaya' uulitin ko ang aking tanong kasalanan nya ba o baka naman kasalanan mo? 
      
Inilikha ni: Angelica C. Amparado





Sanggunian:
https://brainly.ph/question/902682

PANUKALANG PROYEKTO

PANUKALANG PROYEKTO

Ang kahulugan ng panukalang proyekto ito ay ipinapasa pa lamang o minumungkahi palang na mga proyekto.Hindi pa ito naisasakatuparan at paguusapan pa lamang ng isang organisasyon o samahan









Pamagat ng proyekto: Pinamagatang “Balik- Pangarap” para sa kabataan. Isa itong Outreach program- Seminar na lalahukan ng mga kabataan na kapos sa pera at kulang sa kagamitan para sa kanilang pag-aaral.

Kategorya ng proyekto: Ang Gawain na ito ay isang Outreach program-seminar bilang paraan para makapagbigay tulong sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitan sa eskwelahan..

Kabuuang pondo: Gugugol ng kabuuang P 6500.00 halaga ng pagkakagastusan

Deskripsiyon ng proyekto: Ang proyektong ito ay tatawaging “Balik-Pangarap” para sa kabataan ang Balik-Pangarap ay kinuha mula sa salitang Balik-Eskwela na nangangahulugang pagbabalik eskwelahan ng mga estudyante na galing sa mga bakasyon. Ganito hinahalintulad ng nagpanukala ang kanilang mga proyekto na ang ibig sabihin ay pagbabalik ng mga pangarap sa mga kabataang sinukuan o nawalan na ng pag-asang tuparin ang kanilang pinapangarap. Magsisilbing tulong ang Outreach program-seminar na ito sa mga kabataang may mga pangarap ngunit hindi na makapag-aral dahil sa kahirapan o mga kabataan na nagaaral ngunit walang sapat na kagamitan. Layunin ng proyektong ito na maisagawa ang mga sumusunod:
A. Makapagbigay ng school supplies sa mga kabataaan
B. Makatulong sa mga kabataang hindi nabibigyang pansin ng mga karamihan
C. Maseminar rin ang mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral at pagtupad sa kanilang mga pangarap.

Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto: Makikinabang sa proyektong ito ang mga kabataang mas pinili na mangalakal o magtrabaho na lang sa lugar ng litex at payatas. Tinitiyak ng gawain na ito na matutulungan ang mga kabataan na maibalik ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng pagseseminar rin sa kanila.

Gastusin ng proyekto: Inilalahad dito ang kabuuang gastos ng proyekto.
Mga pagkakagastusan
Bilang o Dami
Halaga
Pagkain at Inumin
10 balot – 10 box zest-o
1500
School Supplies
100
5000



KABUUAN

6500

A. Rasyonal, Layunin at Paglalahad ng Suliranin
Ang pagaaral ay isang importanteng bagay sa buhay ng isang tao ito ay isang instrumentong makatutulong upang mapaunlad ang iyong buhay.
Ngunit maraming kabataan na nagaaral lamang dahil lang sa diploma o mapatunayan na nakapagtapos sila. Isa ito sa mga suliranin na nakita ng nagpanukala.
            Magaral ka dahil may pangarap ka. Mahalaga ang pangarap dahil ito ang gagawin mong inspirasyon upang matapos ang iyong pag-aaral kahit maraming pagsubok na pinagdaanan at may saying mararamdam.
            Layunin ng panukalang proyekto na ito na mabigyang tulong ang mga kabataan kapos at walang sapat na kagamitan sap pag-aaral at mga kabataan na pinili nalang tumigil sa pagtupad ng pangarap dahil sa kahirapan at kakulangan sa kanilang buhay.

B. Deskripsyon ng Gawain
            Ang proyektong ito ay pagtulong sa mga kabataan sa lugar ng Litex at Payatas ito ay sisimulan sa Agosto 26, 2018, Sabado sa ganap na 4:00 ng hapon. Inaasahan na matapos ang proyektong sa parehas na araw ganap ng 6:00 ng hapon.

C. BADYET
Mga pagkakagastusan
Bilang o Dami
Halaga
Pagkain at Inumin
10 balot – 10 box zest-o
P 1500
School Supplies
100
P 5000



KABUUAN

P 6500

Tagapanukala ng proyekto: Alcantara, Joy M. at Amparado Angelica C.

Sanggunian: 
https://brainly.ph/question/429781

Sunday, August 12, 2018

BIONOTE

BIONOTE

Ang  bionote ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan.


MGA HALIMBAWA NG BIONOTE:






Raquel Estrada De Quintos.
     
 Nakapagtapos siya ng kursong Bachelor of Science Business Administration Major in Operation Management sa Paaralan ng Pangasinan State University at nakatanggap ng parangal na Cum 
Laude noong 2014.
  Kasalukuyang siyang nagtatrabaho sa McDonald bilang Second Assistant Manager.
      Isa siyang mabuting may bahay at ina sa kanyang nagiisang anak.

Inilikha ni: Joy M. Alcantara







Cindy G. Villanueva.
      Nakatapos siya ng kursong Bachelor of Secondary Education     major in English sa paaralang Global reciprocal Colleges at naging Dean's lister ng tatlong semester.
     Siya ay isang senior high coordinator sa young focus for education and Development foundation at ngayon dahil sa promotion na natanggap niya ay isa na syang Team leader ng Senior high at college. Siya rin ay kasali  sa isang oraganisasyon na True love waits philippines organization.
Maari siyang makontak sa numerong 09279976794.


Sanggunian: Cindy G. Villanueva  25 na taong gulang, Teacher at Team Leader ng senior high at college sa Young focus for education and Development foundation

Inilikha ni: Angelica C. Amparado

Sanggunian:
https://brainly.ph/question/411196






SINTESIS


SINTESIS

Ang sistensis o buod ay isang pamamaraan kung saan ang isang manunulat o tagapagsalita ay sinasabi ang mga orihinal na teksto sa mas maikli ngunit kumpleto at detalyadong paraan.

Mga halimbawa ng sintesis:


DEPRESYON



I. Pagbubuod



Ayon kay Resula (2017) ang depresyon ay isang sakit sa pag-iisip o mental illness na pwedeng namamana o kaya'y sanhin ng pagbabago sa utak at hormones.Ang depresyon ay hindi gaanong napapansin o binibigyang pansin dahil para sa iba ay isa lamang itong simpleng sakit sa pag-iisip ngunit nakakarimarim isipin na maaari itong maging sanhi ng pagkitil ng isang buhay ngunit sa paglipas ng panahon ay nagbago na dahil marami ng nakakaranas ng depresyon.
Ayon naman kay Ventocilla (2017) ang depresyon ay isang kondisyon kung saan ikaw ay nakakaranas ng lungkot at kawalan ng pagasa at maaaring nakakaapekto sa pang-araw-araw na gawain sa buhay. Maaari na ang mga magulang ay natutunan na may negatibong pananaw ay natutunan ng mga bata kaya nagsasanhi ito ng depresyon
Suicide ang nakikitang solusyon ang ilang tao para makatakas ang kinakaharap na problema na kapag hirap na at wala ng pag-asa ang pagpapakamatay ang shortcut para makatakas. Isa sa iniisip ng mga nagpapakamatay, tulong ito sa kanilang pamilya para hindi na sila makadagdag pa ng problema. Begas (2017)
Ayon kay Gamboa (2014) ang depresyon ay isang kondisyon na kung saan ang mga teenager ay nalulungkot at hindi interasado sa pang araw-araw na buhay.Ang depresyon ay may kakayahang pigilan na gawin ang mga pang-araw-araw na gawain sa buhay. II. Paghahalimbawa
Ang mga halimbawa ng mga senyales o palatandaan na may depresyon ay kalungkutan at kawalan ng pag-asa, walang interes sa gawaing bahay at eskwelahan at magagalitin,madalas na pag-iyak ng walang dahilan,lumalayo ang loob sa pamilya at kaibigan.Resula (2017)
Ang isang batang may depresyon ay maaaring pinag-uusapan ang tungkol sa kamatayan at pagpapakamatay, na-guguilty nang walang dahilan o naniniwala na wala siyang kwenta.,nagiging sobrang sensitibo sa lahat ng bagay, nawawalan ng ganang kumain,nagiging mapili sa pagkain. Gamboa (2014)
Mood swings ang unang sintomas ng depresyon.mabilis mayamot sa mga bagay-bagay at mabilis uminit ang ulo, kawalan ng pag-asa at pagkakaroon ng negatibong pananaw,gusto lagi mapag-isa,hindi makatulog o sobra sa pagtulog,pakiramdam na nakokonsensya at pag-iisip na magpakamatay. Ventocilla (2017) 

III. Pagdadahilan

Ayon kay Gamboa (2014)Ang depresyon ay namamana mula sa magulang na may negatibong pananaw sa kanilang mga anak,ay natutunan ng mga bata ang ganitong pag-uugali mula sa mga magulang. Maaaring kaganapan sa buhay na sobrang stress tulad ng mga problema sa paaralan at paghihiwalay ng magulang.
Ayon kay Begas (2017) ang pagpapakamatay ay naiisip ng mga tao na wala ng nakikitang pag-asa sa buhay.kapag nararamdaman niya na wala na siyang halaga kuwenta,.na wala na siyang halaga at hindi na dapat niyang gawin ang mga bagay na dapat niyang gawin, nadedepress ito at maaaring siyang mag udyok para magpakamatay. maaaring ang pinanggalingan ng depresyon ay problema sa love life,pera,trabaho,pagkapahiya,mababang grades o kaya naman ay mayroon na itong namanang hormone sa mga magulang kung kaya't madaling madepress. may mga tao na sadyang mahina ang genes na humarap sa depresyon at may namamana kaya kung may mayroong miyembro ng pamilya na nagpakamatay mataas ang tyansa na may mayroon pang sumunod sa kaniyang ginawa.

Inilikha ni: Angelica C. Amparado



Bullying

I. Pagbubuod

       May mga sanhi at epekto ang pambubully. Una ay ang kawalan ng interes sa pagaaral at hindi pagpasok sa school. Pangalawa, pagkukunwaring may sakit para hindi makapasok sa school. Gusto lagging nagiisa. May pasa, gasgas o sugat na hindi masabi sa magulang ang kadahilanan. (Perol 2016)

     Nawawalan ng lakas ng loob sa pagaaral, makakaapekto ito ng malaki sa pagaaral ng bata, may mga batang natotroma dahil sa pambubully (Castillo 2017)
      Ang pambubully din ay maaaring magkaroon ng napakasamang epekto sa mga biktima tulad nalang ng maaari itong mawalan ng tiwala sa sarili at malala pa nito ay maari itong magpakamatay. (Bartolome 2016)

II. Paghahalimbawa

   Ayon kay Bartolome (2016) ang mga halimbawa ng epekto ng pambubully ay ang pagkawala ng tiwala sa sarili at maaari itong magpakamatay.
     Ayon naman kay Perol ( 2016) ang pagkakaroon ng kawalan ng interes sa pagaaral at hindi pagpasok sa school. Gusto laging nagiisa. May pasa, gasgas o sugat na hindi masabi sa magulang ang dahilan.

ABSTRAK


A. ABSTRAK 

Ang abstrak ay maikling paglalahad ng kabuuan ng isang pag-aaral o pananaliksik. Nilalaman nito ang maikling panimula, layunin ng pag-aaral, pamamaraang ginamit, kinalabasan at konklusyon ng pananaliksik.


Pamagat: Mga dahilan sa pagpapakamatay ng mga kabataang nasa edad 15-24
Paaralan: Lagro High School
Tagpayo: G .Rodel D. Sioco
Mananaliksik: Maglente et.al
Petsa: Enero 2018

 I.Motibasyon
Pinili ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito upang makatulong sa mga magulang sa pag-alam at pagpigil ng sa mga sintomas na maaring dinaranas ng kanilang mga anak.Mahalaga din ang pananaliksik na ito sa mga guro bilang pangalawang magulang ng mga estudyante at upang magkaroon ng kamalayan sa kung anong maaring pagdaanan ng kanilang mag-aaral.Malaki rin ang importansya ng pag-aaralna ito sa mga kabataan upang mabatid nila ang mga palatandaan na posibleng nararanasan nila o kanilang mga kaibigan at kapatid.

II.Suliranin
Ang pag-aaral ng mga dahilan ng pagpapakamatay ng mga kabataang nasa edad 15-24 ay Nagtuklas ng iba't-ibang suliranin ng mga kabataan:
 >    Nakakaapekto ba ang depresyon sa kanilang pag-aaral?
>    Ano-ano ang pangunahing dahilan ng pagpapakamatay ng mga kabataang nasa edad 15-24?
> Paano nakakatulong ang pag-alam ng mga dahilan sa pagpigil ng pagpapakamatay ng kabataan?

 III.Pagdulog at Pamamaraan
 Gumamit ang mga mananaliksik ng kwantitatibo-deskriptibong metodolohiya at gumamit rin ng sarbey at kwestyuner ang mga mananaliksik upang makakalap ng mga impormasyon sa mga magaaral ng Lagro High School

 IV.Resulta
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang dahilan ng pagpapakamatay ng mga kabataang nasa edad 15-24 na taong gulang Ang ginamit na paraan ng pananaliksik ay kwantitatibo at sarbey naman angteknik. Napagalaman na labingapat na indibidwal ang nakaranas ng problema sa pag-ibig na pumapalo sa 28.57% sampu naman ang nakakaranas ng pang-aabuso na pumapalo rin sa 20.40% sampu rin ang pambubulas na may 34.69% at labingapat ang nakakaranas ng depresyon na may 28.57%

 V.Konklusyon
            Kaaramihan sa mga estudyanteng sa ginawa ng mga mananaliksik na sarbey form ay naapektuhan ang kanilang pag-aaral dahil sa depresyon napagtanto rin ng mga mananaliksik ma ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing dahilan ng pagpapakamatay ng mga nasa edad 15-24 ay pag-ibig,pangaabuso,pamilya at pambubulas. Maaring maagapan ang posibilidad na sila'y magpatiwakal sa pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa usaping depresyon makakaligtas ang mga taong nalulugmok at maaring mabawasan ang bilang ng mga kabataang nagpapakamatay.

Inilikha ni: Angelica C. Amparado



Pamagat: Dahilan at epekto ng Depresyon sa mga mag-aaral na nasa Baitang 11 Lagro High School
Paaralan: Lagro High School
Tagapayo: G. Rodel D. Sioco
Mananaliksik: Arnan et.al
PetsaMarso 2018

I. Motibasyon
            Pinili ng mga mananaliksik ang Depresyon upang maipamulat sa mga kaisipan ng mga tao higit sa mga Estudyante / Kabataan na dumaranas sa matinding depresyon ay dapat pagtuunan ng pansin at dapat hindi ipinagsasawalang bahala. Marami sa atin ay hindi alam ang sakit na pinagdaraanan ng isang depressed na tao, ang hindi natin alam na lahat ng bagay o salita na ating bibitawan ay malaking epekto sa lahat.

II. Suliranin
  • ·         Ano ang maaaring dahilan at epekto ng depresyon?
  • ·         Bakit nagkakaroon ng depresyon ang isang magaaral?
  • ·         Paano maiiwasan ang depresyon?


III. Pagdulog at Pamamaraan
            Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng kwantitatibo na pamamaraan ng metodolohiya. Gumamit din ng istilo ng kwantitatibong- deskriptibo ang mga mananaliksik at sarbey kwestyuner ang teknik na ginamit upang makalikom ng datos at impormasyon. Ang pagaaral na ito ay isinasagawa sa taong 2017-2018.


IV. Resulta
            Ang naging resulta sa pagaaral na ito ay karamihan sa mga nadedepres o dumadaan sa depresyon, ang kanilang dahilan ay dumaan sila sa pambubully, na nagreresulta ng pagkababa ng self esteem o pagkababa ng tingin sa sarili. Isa sa pangunahing dahilan ng depresyon ng mga magaaral ay ang pagkapresyur sa pagaaral, katulad na lamang ng pagkakasabay-sabay ng mga requirements, ekspektasyon ng mga magulang sa anak. Karamihan sa mga magaaral na nakakaranas ng depresyon ay hindi kayang ipahayag o ikwento ang kanilang problema sa kanilang mga magulang. Ngunit naipapahayag nila ito sa kanilang mga kaibigan.

V. Konklusyon


            Ang depresyon ay nakababahalang sakit sa pagiisip na may negatibong epekto  sa mga magaaral katulad ng pagkababa ng marka sa mga asignatura, pagkahantong sa pagpapatiwakal at pagsusugat sa sarili.

Inilikha ni: Joy M. Alcantara

Sanggunian:
https://brainly.ph/question/605377

Saturday, August 11, 2018

BIONOTE




          Siya si Joy M. Alcantara. Labing pitong taong gulang na, ipinanganak noong Agosto 19, 2000. Kasalukuyang nag-aaral ng kursong Accountancy Business Management sa programang Kto12 sa paaralang Lagro High School. Bunso sa magkakapatid at nakatira sa Quezon City. Maaari syang makontak sa numerong 09981892220 o sa email na LigayaAlcantara03@gmail.com



                                                                                                                                                    
               Siya si Angelica C. Amparado. Labing pitong taong gulang, bunso sa magkakapatid at kasalukuyang nag-aaral sa Lagro High School at tinatapos ang grade 12 sa ilalim ng strand na Accountancy Business Management (ABM). Isa syang honor studend noong elementary at pinangaralan din ng 1st place sa Hekasi Quiz Bee ng kanilang paaralan ng Siloam Christian Academy. At nabigyan din sya ng pagkakataon na makadalo sa isang seminar tungkol sa pagaaral sa mga computer sa Diliman Prepatory School at seminar tungkol din sa tamang pagtuturo sa mga kabataan ng tamang asal at sex education. At kasalukuyang syang volunteer kids teacher sa programa ng kanilang simbahan. Maaari syang makontak sa numerong 09073112669 o email na anngeee04@gmail.com




Ang E-portfolio na ito o Electronic Portfolio ay isinagawa ng dalawang mag-aaral ng mula sa ABM-12 Friedman na nagaaral sa Lagro High School (senior High School) na sina Joy at Angelica na nagsama upang ibigay ang kanilang kaalaman tungkol sa iba't ibang Akademikong sulatin sa asignaturang pagsulat sa Filipino sa piling larangan. Makakatulong ang E-Portfolio na ito sa mga ibang estudyante na naghahanap ng impormasyon tungkol sa akademikong pagsulat.




    Silang dalawa ay may sagisag panulat na malipayon at maisog dalawang salitang bisaya na ibigsabihin masayahin at matapang. May saya sa pagharap sa kung ano man ang problemang kinakaharap at may tapang upang malagpasan o kayanin at hindi sukuan ang mga hamon sa kanilang buhay.