PANUKALANG PROYEKTO
Ang kahulugan ng panukalang proyekto ito ay ipinapasa pa lamang o minumungkahi palang na mga proyekto.Hindi pa ito naisasakatuparan at paguusapan pa lamang ng isang organisasyon o samahan
Pamagat ng proyekto: Pinamagatang
“Balik- Pangarap” para sa kabataan. Isa itong Outreach program- Seminar na lalahukan
ng mga kabataan na kapos sa pera at kulang sa kagamitan para sa kanilang
pag-aaral.
Kategorya ng proyekto: Ang Gawain
na ito ay isang Outreach program-seminar bilang paraan para makapagbigay tulong
sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitan sa eskwelahan..
Kabuuang pondo: Gugugol
ng kabuuang P 6500.00 halaga ng pagkakagastusan
Deskripsiyon ng proyekto: Ang
proyektong ito ay tatawaging “Balik-Pangarap” para sa kabataan ang Balik-Pangarap
ay kinuha mula sa salitang Balik-Eskwela na nangangahulugang pagbabalik
eskwelahan ng mga estudyante na galing sa mga bakasyon. Ganito hinahalintulad
ng nagpanukala ang kanilang mga proyekto na ang ibig sabihin ay pagbabalik ng mga
pangarap sa mga kabataang sinukuan o nawalan na ng pag-asang tuparin ang
kanilang pinapangarap. Magsisilbing tulong ang Outreach program-seminar na ito
sa mga kabataang may mga pangarap ngunit hindi na makapag-aral dahil sa kahirapan
o mga kabataan na nagaaral ngunit walang sapat na kagamitan. Layunin ng
proyektong ito na maisagawa ang mga sumusunod:
A.
Makapagbigay ng school supplies sa mga kabataaan
B.
Makatulong sa mga kabataang hindi nabibigyang pansin ng mga karamihan
C. Maseminar
rin ang mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral at pagtupad sa
kanilang mga pangarap.
Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto:
Makikinabang sa proyektong ito ang mga kabataang mas pinili na mangalakal o
magtrabaho na lang sa lugar ng litex at payatas. Tinitiyak ng gawain na ito na
matutulungan ang mga kabataan na maibalik ang kanilang mga pangarap sa
pamamagitan ng pagseseminar rin sa kanila.
Gastusin ng proyekto:
Inilalahad dito ang kabuuang gastos ng proyekto.
Mga pagkakagastusan
|
Bilang o Dami
|
Halaga
|
Pagkain
at Inumin
|
10
balot – 10 box zest-o
|
1500
|
School
Supplies
|
100
|
5000
|
KABUUAN
|
6500
|
A. Rasyonal, Layunin at Paglalahad ng
Suliranin
Ang pagaaral
ay isang importanteng bagay sa buhay ng isang tao ito ay isang instrumentong
makatutulong upang mapaunlad ang iyong buhay.
Ngunit
maraming kabataan na nagaaral lamang dahil lang sa diploma o mapatunayan na
nakapagtapos sila. Isa ito sa mga suliranin na nakita ng nagpanukala.
Magaral ka dahil may pangarap ka. Mahalaga
ang pangarap dahil ito ang gagawin mong inspirasyon upang matapos ang iyong pag-aaral
kahit maraming pagsubok na pinagdaanan at may saying mararamdam.
Layunin ng panukalang proyekto na
ito na mabigyang tulong ang mga kabataan kapos at walang sapat na kagamitan sap
pag-aaral at mga kabataan na pinili nalang tumigil sa pagtupad ng pangarap
dahil sa kahirapan at kakulangan sa kanilang buhay.
B. Deskripsyon ng Gawain
Ang
proyektong ito ay pagtulong sa mga kabataan sa lugar ng Litex at Payatas ito ay
sisimulan sa Agosto 26, 2018, Sabado sa ganap na 4:00 ng hapon. Inaasahan na matapos
ang proyektong sa parehas na araw ganap ng 6:00 ng hapon.
C. BADYET
Mga pagkakagastusan
|
Bilang o Dami
|
Halaga
|
Pagkain
at Inumin
|
10
balot – 10 box zest-o
|
P 1500
|
School
Supplies
|
100
|
P 5000
|
KABUUAN
|
P 6500
|
Tagapanukala ng proyekto: Alcantara, Joy
M. at Amparado Angelica C.
Sanggunian:
https://brainly.ph/question/429781
No comments:
Post a Comment