Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
KAIBIGAN
Madaming nagsasabing mahirap magkaroon ng tunay na kaibigan. Bakit nga ba mahirap magkaroon ng tunay na kaibigan sa panahon natin ngayon? samantalang palakaibigan naman ikaw, ako tayo. pero may mga tao talagang hindi pala kaibigan iilan lang naman saatin ang ganon dahil sa panahon natin ngayon hindi ka mabubuhay kapag hindi ka nakikipagusap lalo na't kapag kailangan mong magtanong.
Oo, mahirap magkaroon ng kaibigan sa panahon natin ngayon dahil andyan yung salitang plastik ,traydor, talo-talo at iba pa. Sa pagkakaibigan kailangan nyo ng tiwala, tiwala sa isa't isa na para bang magkasintahan narin kayo dahil sa pagkakaibigan hindi mawawala ang sabihan ng mga problema. Isa itong mahalaga sa buhay natin bukod sa mga pamilya natin.
Kung kaya't pag may nahanap kang kaibigan na mapagkakatiwalaan at maasahan sa kahit ano pang problemang dumating at hindi ka kailan man iniwan sa mga panahong siya ay kailangan mo ay wag mo ng sayangin dahil minsan ka na lang makahanap ng tunay na kaibigan dahil hindi lahat ng kaibigan, ay kaibigan talaga dahil ang iba kaibigan ka lang pag may kailangan.
Inilikha ni: Joy M. Alcantara
KASALANAN NYA? O KASALANAN MO?
2000 taon na ang nakalipas ng may isang taong nagsakripisyo at nag-alay ng kaniyang buhay para sa lahat. inalay ang buhay para maligtas ka, tinaggap ang hirap at sakit para sa buhay mo. Isa yan sa mga hindi naiisip ng mga kabataan ngayon dahil sa murang edad pa lamang ay alam na ang pagbibisyo pagiinom,paninigarilyo at kung ano ano pang mga bisyo na nakasisira sa katawan, sa murang edad palang ay suko na sa buhay dahil sa mga problemang sila naman ang may kagagawan na pagkatapos ay magagalit at sisihin ang diyos susumbatan ng kung ano ano at sasabihin sya ang nagkulang ngunit hindi naisip ang mga sakripisyong ginawa para lang sa buhay mo.
Nagagawang lumayo sa panginoon sa pagiisip na hindi sila mahal at sila'y iniwan ngunit hindi naisip ng mga kabataan na ang pagibig ng diyos ay para sa lahat at na Mahal ka nya kahit lumalapit ka lang pag may kailangan ka, mahal ka nya kahit makasalanan ka. Ang mga kabataan ngayon ay madaling sumuko sa buhay at maimpluwensyahan ng mga masamang gawain tulad ng pagbibisyo hindi na inisip ang magiging kapalit ng kanilang mga kinikilos kung kaya't kapag napahamak ay naghahanap ng masisisi.
Ngayon ang tanong siya nga ba ang dahilan? ang Diyos nga ba ang may kasalanan o baka ikaw naman talaga ang may problema. baka ikaw naman talaga ang may mali at sanhi ng problemang kinakaharap mo at naghahanap ka lang ng masisisi. sa buhay natin minsan kailangan natin maging totoo at tapat para harapin ang kung anong mga pagkakamaling nagawa natin. ngunit hindi dapat matapos sa pagtanggap dapat ay magbago din. kaya' uulitin ko ang aking tanong kasalanan nya ba o baka naman kasalanan mo?
Inilikha ni: Angelica C. Amparado
Sanggunian:
https://brainly.ph/question/902682
No comments:
Post a Comment