Labels

Sunday, August 12, 2018

ABSTRAK


A. ABSTRAK 

Ang abstrak ay maikling paglalahad ng kabuuan ng isang pag-aaral o pananaliksik. Nilalaman nito ang maikling panimula, layunin ng pag-aaral, pamamaraang ginamit, kinalabasan at konklusyon ng pananaliksik.


Pamagat: Mga dahilan sa pagpapakamatay ng mga kabataang nasa edad 15-24
Paaralan: Lagro High School
Tagpayo: G .Rodel D. Sioco
Mananaliksik: Maglente et.al
Petsa: Enero 2018

 I.Motibasyon
Pinili ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito upang makatulong sa mga magulang sa pag-alam at pagpigil ng sa mga sintomas na maaring dinaranas ng kanilang mga anak.Mahalaga din ang pananaliksik na ito sa mga guro bilang pangalawang magulang ng mga estudyante at upang magkaroon ng kamalayan sa kung anong maaring pagdaanan ng kanilang mag-aaral.Malaki rin ang importansya ng pag-aaralna ito sa mga kabataan upang mabatid nila ang mga palatandaan na posibleng nararanasan nila o kanilang mga kaibigan at kapatid.

II.Suliranin
Ang pag-aaral ng mga dahilan ng pagpapakamatay ng mga kabataang nasa edad 15-24 ay Nagtuklas ng iba't-ibang suliranin ng mga kabataan:
 >    Nakakaapekto ba ang depresyon sa kanilang pag-aaral?
>    Ano-ano ang pangunahing dahilan ng pagpapakamatay ng mga kabataang nasa edad 15-24?
> Paano nakakatulong ang pag-alam ng mga dahilan sa pagpigil ng pagpapakamatay ng kabataan?

 III.Pagdulog at Pamamaraan
 Gumamit ang mga mananaliksik ng kwantitatibo-deskriptibong metodolohiya at gumamit rin ng sarbey at kwestyuner ang mga mananaliksik upang makakalap ng mga impormasyon sa mga magaaral ng Lagro High School

 IV.Resulta
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang dahilan ng pagpapakamatay ng mga kabataang nasa edad 15-24 na taong gulang Ang ginamit na paraan ng pananaliksik ay kwantitatibo at sarbey naman angteknik. Napagalaman na labingapat na indibidwal ang nakaranas ng problema sa pag-ibig na pumapalo sa 28.57% sampu naman ang nakakaranas ng pang-aabuso na pumapalo rin sa 20.40% sampu rin ang pambubulas na may 34.69% at labingapat ang nakakaranas ng depresyon na may 28.57%

 V.Konklusyon
            Kaaramihan sa mga estudyanteng sa ginawa ng mga mananaliksik na sarbey form ay naapektuhan ang kanilang pag-aaral dahil sa depresyon napagtanto rin ng mga mananaliksik ma ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing dahilan ng pagpapakamatay ng mga nasa edad 15-24 ay pag-ibig,pangaabuso,pamilya at pambubulas. Maaring maagapan ang posibilidad na sila'y magpatiwakal sa pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa usaping depresyon makakaligtas ang mga taong nalulugmok at maaring mabawasan ang bilang ng mga kabataang nagpapakamatay.

Inilikha ni: Angelica C. Amparado



Pamagat: Dahilan at epekto ng Depresyon sa mga mag-aaral na nasa Baitang 11 Lagro High School
Paaralan: Lagro High School
Tagapayo: G. Rodel D. Sioco
Mananaliksik: Arnan et.al
PetsaMarso 2018

I. Motibasyon
            Pinili ng mga mananaliksik ang Depresyon upang maipamulat sa mga kaisipan ng mga tao higit sa mga Estudyante / Kabataan na dumaranas sa matinding depresyon ay dapat pagtuunan ng pansin at dapat hindi ipinagsasawalang bahala. Marami sa atin ay hindi alam ang sakit na pinagdaraanan ng isang depressed na tao, ang hindi natin alam na lahat ng bagay o salita na ating bibitawan ay malaking epekto sa lahat.

II. Suliranin
  • ·         Ano ang maaaring dahilan at epekto ng depresyon?
  • ·         Bakit nagkakaroon ng depresyon ang isang magaaral?
  • ·         Paano maiiwasan ang depresyon?


III. Pagdulog at Pamamaraan
            Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng kwantitatibo na pamamaraan ng metodolohiya. Gumamit din ng istilo ng kwantitatibong- deskriptibo ang mga mananaliksik at sarbey kwestyuner ang teknik na ginamit upang makalikom ng datos at impormasyon. Ang pagaaral na ito ay isinasagawa sa taong 2017-2018.


IV. Resulta
            Ang naging resulta sa pagaaral na ito ay karamihan sa mga nadedepres o dumadaan sa depresyon, ang kanilang dahilan ay dumaan sila sa pambubully, na nagreresulta ng pagkababa ng self esteem o pagkababa ng tingin sa sarili. Isa sa pangunahing dahilan ng depresyon ng mga magaaral ay ang pagkapresyur sa pagaaral, katulad na lamang ng pagkakasabay-sabay ng mga requirements, ekspektasyon ng mga magulang sa anak. Karamihan sa mga magaaral na nakakaranas ng depresyon ay hindi kayang ipahayag o ikwento ang kanilang problema sa kanilang mga magulang. Ngunit naipapahayag nila ito sa kanilang mga kaibigan.

V. Konklusyon


            Ang depresyon ay nakababahalang sakit sa pagiisip na may negatibong epekto  sa mga magaaral katulad ng pagkababa ng marka sa mga asignatura, pagkahantong sa pagpapatiwakal at pagsusugat sa sarili.

Inilikha ni: Joy M. Alcantara

Sanggunian:
https://brainly.ph/question/605377

No comments:

Post a Comment