Sina Joy M. Alcantara at Angelica C. Amparado ay nagsama sa
paggawa ng blog upang maging isang E-portfolio. Ang E-portfolio ay isang
portfolio na naglalaman ng iba't ibang akademikong sulatin mula sa asignaturang
pagsulat sa piling larangan ito ay naglalaman ng mga kaalaman na maghahatid ng
tulong sa iba.
Silang dalawa ay may sagisag panulat na malipayon at maisog
dalawang na masayahin at matapang. May saya sa pagharap sa kung ano man ang
problemang kinakaharap at may tapang upang malagpasan o kayanin at hindi sukuan
ang mga hamon sa kanilang buhay.
Pinangalanan ng mga manunulat ang E-portfolio
ng PAKANA na ang ibig sabihin ay Pagbibigay Kaalaman sa iba ng mga Natutunan.
Sapagkat layunin ng mga manunulat na makapagbigay kaalaman bilang tulong sa iba
tungkol sa iba't ibang akademikong sulatin, tulong na para sa mga estudyante na
nangangailangan ng kasagutan patungkol sa akademikong sulatin.
Ang E-portfolio
na ito ay para sa mga taong nangangailangan ng tulong tungkol sa akademikong
sulatin, ang kaalaman na nakapaloob sa E-portfolio ay hindi lamang para sa mga
mag-aaral kundi para sa mga taong nais matuto at madagdagan ang kaalaman.
Pinapasalamatan ng mga manunulat ang kanilang mga kaibigan na walang sawang
tumulong at magpalakas ng kanilang loob sa pagtapos ng blog, ganun na rin sa
kanilang guro na nagturo at nagbahagi ng kaniyang nalalaman sa mga akademikong
sulatin at sa pagbibigay ng pagkakataon na maibahagi ng mga manunulat ang
kanilang nalalaman sa pamamagitan ng blog.
No comments:
Post a Comment