Sina Joy M. Alcantara at Angelica C. Amparado ay ang manunulat ng E-portfolio na ito sila ay kapwa magaaral ng Lagro High School at kasalukuyang Grade 12 sa ilalim ng ABM seksyon Friedman.
E-Portfolio (Pagsulat sa Filipino (Akademik))
Labels
Sunday, October 14, 2018
PAMAGATING PAPEL
Sina Joy M. Alcantara at Angelica C. Amparado ay ang manunulat ng E-portfolio na ito sila ay kapwa magaaral ng Lagro High School at kasalukuyang Grade 12 sa ilalim ng ABM seksyon Friedman.
EPILOGO
Sa kabuaan ng paggawa ng E-portfolio natutunan ng mga
manunulat ang iba't ibang bagay tulad ng pagpapahalaga sa wika, na mahalaga na
may kaalaman sa tamang paggamit ng wikang filipino at hindi lamang sa wikang
ingles bihasa., natutuhan din ng manunulat na kahit gaano man kahirap ang isang
bagay huwang itong sukuan dahil may magandang kapalit ang bawat paghihirap na
ginagawa, napagisip isip rin ng manunulat na ang kanilang ginawang E-portfolio
ay di lang para sakanila kundi para din sa iba, na makakapagbigay sila ng
tulong sa iba.
Kung titignan ang paggawa ng nilalaman ng E-portfoilo ay
napakahirap gawin ang iba't ibang akademikong sulatin ay may kanya kanyang
hirap, ngunit pag natapos ito ay labis na kasiyahan ang iyong mararamdaman
dahil sa pakiramdan na, na kaya mo at natapos mo kahit mahirap.
AGENDA
AGENDA
Ang agenda ay plano o mga gawain na kailangang gawin. Karaniwang gumagawa ng agenda sa mga pagpupulong kung saan inililista o isinusulat nila ang mga paksang kailangan nilang pag-usapan.
Mga opisyales sa Barangay AVR ng Barangay 2:00 pm - 3:30 pm
Setyembre 22, 2018 Tagapangasiwa: Punong Barangay Erwin Evangelista
I.
INTRODUKSYON
Agenda : Pagtalakay tungkol sa pagpapataas ng pondo ng Barangay.
:
Pagtalakay tungkol sa kaligtasan at kalusugan ng kabataan sa Barangay.
II.
Pagtala ng bilang ng mga dumalo
Ang bilang ng mga dumalo sa pagpupulong ay
siyam, Tatlong (3) Barangay Councilor, Apat (4) SK Councilor at isang SK
Chairman.
III.Pagpresenta at pagtalakay sa agenda
1. Pagtalakay tungkol sa
pagpapataas ng pondo ng Barangay.
a. pagbibigay ng impormasyon tungkol sa
natitirang pondo ng Barangay.
b. Mga suwestiyon para mapataas ang pondo ng
Barangay.
2. Pagtalakay tungkol sa kaligtasan at kalusugan ng kabataan sa
Barangay.
a. Mga impormasyon tungkol sa bilang ng mga kabataan na kulang sa
nutrisiyon at nasasangkot sa mga krimen na kabataan.
b. Pagbibigay ng opinyon.
IV. Karagdagang impormasyon
a. Iskedyul para sa susunod na pulong.
V. Pangwakas
na salita
a.Pagpapasalamat sa mga dumalo.
Inilikha nina: Joy M. Alcantara at Angelica C. Amparado
Sanggunian:
https://brainly.ph/question/463067
LAKBAY SANAYSAY
LAKBAY SANAYSAY
Ang lakbay sanaysay ay hindi lamang isang uri ng pagsusulat kung saan isinasaad ang uri ng pamumuhay o kultura ng mga tao sa isang lugar. Ito rin ay maaring isulat ng manunulat sa pamamagitan ng pagpunta mismo sa lugar na syang paksa at mula doon ay kanyang ibabahagi sa mga mambabasa ang kanyang mga karanasan, natutunang aral at emosyon habang sya ay nasa lugar na iyon at habang sya ay nakikisalamuha sa mga tao doon.
Bago kami tumungo sa pampanga ang amin unang pinuntahan ay ang circle, kung saan isa itong pasyalan dito sa Quezon City. Kilala bilang pasyalan ng mga bata pati narin ng mg matatatanda. May matatagpuan Museo sa loob ng Quezon City Memorial Circle na dedicated para sa isa sa mga naging presidente na yumao na si Manuel Quezon.
Ang lakbay sanaysay ay hindi lamang isang uri ng pagsusulat kung saan isinasaad ang uri ng pamumuhay o kultura ng mga tao sa isang lugar. Ito rin ay maaring isulat ng manunulat sa pamamagitan ng pagpunta mismo sa lugar na syang paksa at mula doon ay kanyang ibabahagi sa mga mambabasa ang kanyang mga karanasan, natutunang aral at emosyon habang sya ay nasa lugar na iyon at habang sya ay nakikisalamuha sa mga tao doon.
Bago kami tumungo sa pampanga ang amin unang pinuntahan ay ang circle, kung saan isa itong pasyalan dito sa Quezon City. Kilala bilang pasyalan ng mga bata pati narin ng mg matatatanda. May matatagpuan Museo sa loob ng Quezon City Memorial Circle na dedicated para sa isa sa mga naging presidente na yumao na si Manuel Quezon.
Isa ito sa aking napuntahan na lugar noong kami ay nag fieldtrip sa San Guillermo
Parish Church na matatagpuan sa Bacolor, Pampanga. Ang mga disenyo nito ay
mayroon malaking krus sa itaas ng pintuan at my disenyo itong Baroque at ang
pader nito ay yari sa bricks. Isa ito sa mga ginamit na lugar upang kumuha ng
isang bidyu na palabas na "May Bukas Pa". Ang kalahati nitong
simbahan ay nasunog dahil sa Lahar na nanggaling sa Bulkang Pinatubo. Kahit na napakaluma na ng simbahan na ito, mapapansin mo parin ang tibay ng pagtayo nito.
Ang sunod naming pinuntahan ay ang dinosour island na
matatagpuan sa Mabalacat, Pampanga isa itong pasyalan na mayroong mga ibat
ibang klase ng dinosaur. Nagtagal kami ng higit isang oras dito upang magsaya
at makakuha ng maraming litrato. Sobrang saya sa lugar na ito dahil pinaranas
saamin na parang totoo na may isang dinosaur sa harap namin. Sobrang hindi
makakalimutan na pangyayari ito.
Inilikha ni: Joy M. Alcantara
Bilang isang kabataan na maraming ginagawa sa eskwelahan at
maraming mga dapat na tapusin, at na-iistress Pahinga ang pinaka kailangan,
pahinga sa lahat ng bagay na nagdudulot ng stress. Talaga nga namang sadyang
kay saya at kay sarap sa pakiramdam kapag nagpapahinga sa tabing dagat. Sadyang
kaysaya kapag may outing na nagaganap kasama ang pamilya. dahil iba ang saya
kapag kasama ang pamilya sa pagpunta sa ibang lugar, pangarap ko na magpunta pa
sa iba't ibang lugar upang makita ang mga magagandang tanawin at mga
pinagmamalaki ng pilipinas,. At isa sa mga napuntahan kong lugar ay ang
batangas nagpunta kami doon upang magpahinga at kalimutan sandali ang realidad
ng buhay at talagang umagaw ng akin pansin ay ang dagat, sadyang kay sarap
tignan.
Laiya resort, sa lugar ng batangas isa ito sa napakagandang
napuntahan ko. Napakaganda ng mga tanawin dito at nakakarelax sa lugar ng Laiya
Resort. Maraming pumupunta dito isa na rito ang mga turista.At marami pang tao
na dumadayo rito dahil sa napakagandang lugar at higit sa lahat sulit ang
pagbisita maganda din ang serbisyo rito at masarap ang mga pagkain na kanilang
hinahain. At kaysarap magpahinga sa bawat silid ng resort dahil magandang
tanawin ang bubungad sa iyo, ang payapa ng pakiramdam at tahimik tamang tama
para sa mga taong gusto makapagpahinga.
Sa bawat kwarto ay may dalawang higaan at kay lambot na kama
na kaysarap higaan at pagpahingahan at sobrang lamig pa dahil sa aircon sulit
ang bayad dahil makakapag pahinga ka talaga ng walang iistorbo at napakalinis
at lawak pa ng kwarto. At pagkagising mo sa umaga ay kay gandang tanawin ang
unang bubungad sayo mga nagluluntian na dahon at dagat na napakasarap liguan
mga tanawin na para bang hindi apektabo ng polusyon.
Bukod sa magandang tanawin at magandang serbisyo na
binibigay sa resort nais kong bumalik ulit doon upang magkaroon kami ng buong
litrato na magkakasamang buong pamilya, mahalaga sakin ang lugar ng laiya
resort dahil dito kami unang nagkaroon ng litrato ng aking ina, unang litrato
namin dalawa na dalaga na ako, isa sa magandang memoryang mayroon ako dito ay
ang litratong kinuhaan mula sa lugar ng laiya resort na kasama ko ang akin ina.
Inilikha ni: Angelica C. Amparado
Sanggunian:
https://brainly.ph/question/460623
REPLEKTIBONG SANAYSAY
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Ito ay nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik tanaw. Ito ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa. Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.
ISKEYTBORD
Ito ay nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik tanaw. Ito ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa. Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.
ISKEYTBORD
Bakit kung sino pa ang may mga kapansanan sila pa itong mas
nagpupursigi sa pagaaral? samantalang sa mga normal na tao hindi magawang
magpursigi? mga ilang katanungan para sa may kapansanan na nakita ng isang
babae sa isang mall, mga katanungan na biglang papasok sa isip ng isang tao,
kapag nakakita ng isang lalaking may kapansanan. Imbis na paa ang kanyang
gagamitin panglakad ang tanging paa niya ay ang iskeytbord at ang kanyang kamay
ang ginagamit upang umandar ang kanyang sinasakyan. Sobrang nakakadala ng dadamin ang lalaking may kapansanan na ito.
Bawat tao, may kapansanan man o wala, hindi naiiwasan ang mahusgahan kung ang mga taong normal nga ay nahuhusgasan paano naman kaya ang may mga kapansanan pa? Isang lalaking may kapansanan
na handang harapin ang lahat para sa kanyang kinabukasan, na kahit hirap na
syang kumilos ginagawa niya parin ito para sa kinabukasan ng kanyang buhay.
Sabi nga "kapag gusto maraming paraan, pagayaw maraming dahilan".
Kung iisipin ng isang tao na, daig pa ng may kapansanan ang normal na tao,
dahil kung sino pa ang walang kapansanan sila pa itong hindi pinagbubutihan ang
pagaaral.
Kung kaya't sa buhay ng bawat tao dapat hindi binabalewala
kung anong binigay ng Diyos maliit man o malaki tanggapin natin ito ng buong
buo, Normal man o may kapansanan ang buhay ng bawat isa ay pantay pantay dahil
sa mata ng Diyos pantay pantay ang bawat isa walang maganda o pangit walang
mayaman at mahirap dahil ang tingin niya sa bawat isa ay iisa lahat ng tao ay
mahal nya kahit pa may kulang sakanila. Ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi
nakikita ng Diyos na isang hadlang oara mahalin ang bawat tao, dahil lahat ay
tanggap niya. binigyan tayo ng buhay ng Diyos para harapin at lumaban sa kung
ano man ang pagsubok na dumating sa ating buhay, binibigyan nya ang bawat isa
ng problema o pagsubok hindi para pahirapan o sumuko bagkus binibigyan nya ang
bawat tao ng pagsubok upang mas maging matapang at handa sa bagong bukas na
puno na naman ng pagsubok at laban dahil ang Diyos ay mapagmahal at
maaalalalahanin na Diyos ginagawa nya ang lahat para saatin.
Inilikha ni: Joy M. Alcantara
BROKEN FAMILY
Tunay ngang ang pagkakaroon ng
pamilya ay mahalaga lalo na kung ito ay buo,masaya at magkakasama. Sa panahon
ngayon parami na ng parami ang mga kabataang produkto ng broken family at kung
minsan ay ang pagkakaroon ng sirang pamilya ang nagiging dahilan kung bakit may
mga kabataan na nagrerebelde at nagiiba ang landas na tinatahak at kung minsan
ay nagiging dahilan din ng pagkakaroon ng depression dahil sa kawalan ng mga
magulang na magaalalay at gagabay ay nalilihis ang landas ng ibang mga
kabataan. Ngunit sadyang nakakabilib at kahanga hanga ang mga kabataan na kahit
pa produkto ng broken family ay nagpapatuloy pa rin sa buhay at nagpapakatatag
at tinatanggap na lamang ang nangyare sa kanilang pamilya.
Sa panahon ngayon
kapag nasa broken family ka ay iniisip na ng ibang tao na mapapariwara na ang
iyong buhay at kung ano anong klaseng pangmamaliit at panglalait ang
matatanggap sa ibang tao, nagiging pariwara lang naman ang buhay ng isang tao
dahil ginusto nya yun pinili nya ang maging ganun dahil sa totoo lang ay maaari
naman niyang patunayan sa lahat na magiging matagumpay sya sa buhay at kahit na
broken family pa ay hindi na pwedeng maging masaya sa buhay.
Nang makilala ko
ang isang kaibigan na produkto pala ng isang broken family ay di ko akalain na
ganun pala ang sitwasyon ng pamilaya nila dahil makikita mo sa kanyang mukha
ang pagiging masayahin at parang walang problema o kung ano pa man na
pinagdadaanan sa buhay, hindi ko kailan man narinig sakanya na may galit siyang
nararamadaman sa kanyang ama dahil sa pagiwan sakanila bagkus ay tinanggap na
lamang nya ang nangyare sa kanilang pamilya, sa tuwing magkasama sila ng
kanyang ina ay di mo makikitaan ng bakas ng problema, sila ay isang masayang
pamilya kahit pa may kulang sakanila, ang kaibigan kong iyon ang nagpagising sa
damdamin ko na pahalagahan ang aking mga magulang at huwag magtanim ng galit
dahil lang sa hindi ko sila kasama sa bahay na habang buhay at andiyan pa sila
at kumpleto kami ay bigyan importansya ko na ang aking mga magulang dahil
maraming kabataan ang nangangarap na makasama nila ang kanilang tatay at nanay,
maraming kabataan ang nangangarap ng buong pamilya.
Tinuruan ako ng aking
kaibigan na maging positibo sa kahit ano pa mang pagsubok ang dumaan sa aking
buhay, dahil wala naman mangyayare kung magiging negatibo ka sa mga nangyayare
sa iyong buhay, ang mga kabataan na produkto ng isang broken family ngunit
pinagpapatuloy parin ang kanilang buhay at pangarap ay isang inspirasyon, dahil
pinapakita lamang nila na hindi hadlang ang kahit ano pa mang kakulangan o
kakulangan sa pamilya ang mayroon ka sa buhay para hindi mo na ipagpatuloy ang
buhay at pangarap, dahil pagkakaroon bg sirang buhay ay hindi dahil sa
pagkakaroon ng sirang pamilya dahil tayo ang pumipili ng ang kung anong gusto
natin mangyare sa ating buhay.
Inilikha ni: Angelica C. Amparado
Sanggunian:
https://brainly.ph/question/477069
POSISYONG PAPEL
POSISYONG PAPEL
Ang salaysay na posisyong papel ay nagsasabi o nagbabanggit at nagkekwento ng mga kuro-kuro tungkol sa isang paksa at kadalasang may-akda ang nagsusulat nito o ng entidad na tinutukoy katulad ng pulitikal na partido. Naipapasakamay ang mga posisyong papel sa dominyo, pulitika o gobyerno, at paaralan o akademya.
PAGTAAS NG BILIHIN
Ang pagtaas ng mga bilihin ay may malaking epekto sa mga
pilipino lalo na sa mga pamilyang kapos ang budget at tama lang ang sinasahod,
ang pinaka apektado sa pagtaas ng mga bilihin ay ang mga pilipinong mahihirap.
Likas naman sa kaalaman ng karamihan na maraming mahirap sa pilipinas at ngayon
ay mas dumarami pa at nadaragdagan ang bilang nila palaki ng palaki at pahirap
ng pahirap ng pilipinas ngunit kasabay ng paghihirap ay pataas ng pataas na mga
bilihin sa bawat palengke, tindahan at kung saan pa man.
Sa darating na pasko at bagong taon ilang putahe na lamang
ba ang maihahanda ng mga pilipino sa kanilang hapagkainan dahil sa mataas na
mga bilihin, maraming apektado pero maraming mga politiko at tao ang bingi at
bulag sa katotohanan na hindi na maganda ang naidudulot ng pagtataas ng mga
bilihin, dapat ng baguhin ang sistema dapat ng magbaba ng presyo, yung presyong
abot kaya at pantay lang para sa sinusweldo ng mga pilipino sa kanilang trabaho. Dahil, paano na ang mga mahihirap na hindi kayang bilhin yung mga kakailanganin nila sa buhay. Katulad na lamang ng bigas na grabe ang itinaas at sa pagtaas nito nagkakaroon ng pagkahaba haba ng pila para lang makabili ng murang bigas.
Kung ngayon palang tumataas na ang bilihin paano na lang sa mga susunod na henerasyon? Dapat isipin din ng mga namumuno yung mga kapakanan ng bawat pilipino. Pataas ng pataas ang bilihin pero ang sweldo hindi nagbabago
paano uunlad ang bawat isa kung puro pagtaas ng bilihin ang pinapatupad, Dapat
ng pigilan ang ang taas ng mga presyo ng bilihin dahil wala itong magandang
naidudulot sa bawat tao.
Inilikha ni: Joy M. Alcantara
LUPANG HINIRANG
Ang mamatay ng dahil sayo ang huling liriko
sa pambansang awit ng pilipinas, ito ay kasama na talaga sa liriko ng kanta
mula noon pa, may magandang mensahe para sa lahat, na ang pagawit ng pambansang
awit ay pagisip na handang mamatay para sa bayan, handang ialay ang buhay. Kay
gandang liriko, kay gandang mensahe ang pinaparating para sa bawat isa ngunit
ang nasa politiko ay ninanais na palitan ang huling liriko ng pambansang awit
na para bang walang pagpapahalaga sa sariling pagmamay ari ng pilipinas, ang
tanging pambansang awit na lamang ang di nababago at napapasok ng ibang bansa
ngunit ninais itong papalitan, na sa susunod na henerasyon ay ibang liriko na
ng kanta ang kanilang aawitin. Sa dami ng isyu sa bansa ay talaganf ang huling
liriko pa ng pambansang awit ang nakita, maraming problema ang pilipinas na
kailangan solusyunan at ayusin at pagtuunan ng pansin ngunit sa mga bagay na
hindi naman na dapat pang pakialaman ay yun pa ang pinoproblema.
Hindi na dapat
pang palitan ang huling liriko ng awitin dahil ito ay kasama na sa nakasanayan
at nakagisnan ng mga pilipino, ito ay pamana ng mga ninuno. hindi na dapat pang
palitan dahil wala namang mali sa liriko, wala namang problema na dapat ayusin
sa awit na iyon kung kaya't hindi na dapat pang baguhin dahil ito ay mahalaga
sa mga pilipino ito ang kanilang pambansang awit na isang pruweba na pagiging
malaya ng pilipinas sa mga mananakop na bansa, ang pagkakaroon ng pambansang
awit, ito na lamang ang natitirang pagmamay ari ng mga pilipino na hindi pa
nasasakop, kung kaya't pag binago ito ay parang binago mo na rin ang susunod na
henerasyon.
Ang susunod na henerasyon ay ang susunod na pag-asa ng bayan ngunit
kung iibahin ang liriko na ang mamatay ng dahil sayo maaaring mag iba na rin
ang kanilang pagiisip baka hindi na nila maisip na gawin ang lahat para sa
bansa sa halip ay maging takot at huwang ilaban ang sariling bansa. Maraming
mga problema na dapat bigyan pansin, maraming kinakaharap ang pilipinas na
dapat seryosohin at hindi kasama doon ang huling liriko ng pambansang awit.
Dahil ba sa wala ng maisip na isa-batas kung kaya't kung ano-ano na lang ang
nakikita kung ano-ano na lang ang naiisip na isabatas kahit wala naman halaga,
mga politiko na nais lang masabihan na may silbi at dulot sa bayan? Ngunit wala
naman katuturan ang mga ipinapatupad sa dami ng problema ng bansa ay huling
liriko pa ng awitin ang nakita, di naman dapat baguhin ngunit nais mabago na
parang di nagiisip ng matino, imbis na magbigay ng batas plano na wala naman
katuturan maaari bang manahimik na lang at wag ng pakialaman ang mga bagay na
di naman dapat pakialaman ang mamatay ng dahil sayo, huling liriko ng awit ay
hindi dapat baguhin o palitan pagrespeto na lamang sa mga pilipinong lumaban
para sa kalayaan ng bayan at sa mga taong namatay para sa bansa walang dapat
baguhin dahil wala namang mali.
Inilikha ni: Angelica C. Amparado
Sanggunian:
https://brainly.ph/question/433178
Subscribe to:
Posts (Atom)