Ang lakbay sanaysay ay hindi lamang isang uri ng pagsusulat kung saan isinasaad ang uri ng pamumuhay o kultura ng mga tao sa isang lugar. Ito rin ay maaring isulat ng manunulat sa pamamagitan ng pagpunta mismo sa lugar na syang paksa at mula doon ay kanyang ibabahagi sa mga mambabasa ang kanyang mga karanasan, natutunang aral at emosyon habang sya ay nasa lugar na iyon at habang sya ay nakikisalamuha sa mga tao doon.
Bago kami tumungo sa pampanga ang amin unang pinuntahan ay ang circle, kung saan isa itong pasyalan dito sa Quezon City. Kilala bilang pasyalan ng mga bata pati narin ng mg matatatanda. May matatagpuan Museo sa loob ng Quezon City Memorial Circle na dedicated para sa isa sa mga naging presidente na yumao na si Manuel Quezon.
Isa ito sa aking napuntahan na lugar noong kami ay nag fieldtrip sa San Guillermo
Parish Church na matatagpuan sa Bacolor, Pampanga. Ang mga disenyo nito ay
mayroon malaking krus sa itaas ng pintuan at my disenyo itong Baroque at ang
pader nito ay yari sa bricks. Isa ito sa mga ginamit na lugar upang kumuha ng
isang bidyu na palabas na "May Bukas Pa". Ang kalahati nitong
simbahan ay nasunog dahil sa Lahar na nanggaling sa Bulkang Pinatubo. Kahit na napakaluma na ng simbahan na ito, mapapansin mo parin ang tibay ng pagtayo nito.
Ang sunod naming pinuntahan ay ang dinosour island na
matatagpuan sa Mabalacat, Pampanga isa itong pasyalan na mayroong mga ibat
ibang klase ng dinosaur. Nagtagal kami ng higit isang oras dito upang magsaya
at makakuha ng maraming litrato. Sobrang saya sa lugar na ito dahil pinaranas
saamin na parang totoo na may isang dinosaur sa harap namin. Sobrang hindi
makakalimutan na pangyayari ito.
Inilikha ni: Joy M. Alcantara
Bilang isang kabataan na maraming ginagawa sa eskwelahan at
maraming mga dapat na tapusin, at na-iistress Pahinga ang pinaka kailangan,
pahinga sa lahat ng bagay na nagdudulot ng stress. Talaga nga namang sadyang
kay saya at kay sarap sa pakiramdam kapag nagpapahinga sa tabing dagat. Sadyang
kaysaya kapag may outing na nagaganap kasama ang pamilya. dahil iba ang saya
kapag kasama ang pamilya sa pagpunta sa ibang lugar, pangarap ko na magpunta pa
sa iba't ibang lugar upang makita ang mga magagandang tanawin at mga
pinagmamalaki ng pilipinas,. At isa sa mga napuntahan kong lugar ay ang
batangas nagpunta kami doon upang magpahinga at kalimutan sandali ang realidad
ng buhay at talagang umagaw ng akin pansin ay ang dagat, sadyang kay sarap
tignan.
Laiya resort, sa lugar ng batangas isa ito sa napakagandang
napuntahan ko. Napakaganda ng mga tanawin dito at nakakarelax sa lugar ng Laiya
Resort. Maraming pumupunta dito isa na rito ang mga turista.At marami pang tao
na dumadayo rito dahil sa napakagandang lugar at higit sa lahat sulit ang
pagbisita maganda din ang serbisyo rito at masarap ang mga pagkain na kanilang
hinahain. At kaysarap magpahinga sa bawat silid ng resort dahil magandang
tanawin ang bubungad sa iyo, ang payapa ng pakiramdam at tahimik tamang tama
para sa mga taong gusto makapagpahinga.
Sa bawat kwarto ay may dalawang higaan at kay lambot na kama
na kaysarap higaan at pagpahingahan at sobrang lamig pa dahil sa aircon sulit
ang bayad dahil makakapag pahinga ka talaga ng walang iistorbo at napakalinis
at lawak pa ng kwarto. At pagkagising mo sa umaga ay kay gandang tanawin ang
unang bubungad sayo mga nagluluntian na dahon at dagat na napakasarap liguan
mga tanawin na para bang hindi apektabo ng polusyon.
Bukod sa magandang tanawin at magandang serbisyo na
binibigay sa resort nais kong bumalik ulit doon upang magkaroon kami ng buong
litrato na magkakasamang buong pamilya, mahalaga sakin ang lugar ng laiya
resort dahil dito kami unang nagkaroon ng litrato ng aking ina, unang litrato
namin dalawa na dalaga na ako, isa sa magandang memoryang mayroon ako dito ay
ang litratong kinuhaan mula sa lugar ng laiya resort na kasama ko ang akin ina.
Inilikha ni: Angelica C. Amparado
Sanggunian:
https://brainly.ph/question/460623
No comments:
Post a Comment