Labels

Sunday, October 14, 2018

POSISYONG PAPEL

POSISYONG PAPEL


Ang salaysay na posisyong papel ay nagsasabi o nagbabanggit at nagkekwento ng mga kuro-kuro tungkol sa isang paksa at kadalasang may-akda ang nagsusulat nito o ng entidad na tinutukoy katulad ng pulitikal na partido. Naipapasakamay ang mga posisyong papel sa dominyo, pulitika o gobyerno, at paaralan o akademya.




                                                    PAGTAAS NG BILIHIN


       Ang pagtaas ng mga bilihin ay may malaking epekto sa mga pilipino lalo na sa mga pamilyang kapos ang budget at tama lang ang sinasahod, ang pinaka apektado sa pagtaas ng mga bilihin ay ang mga pilipinong mahihirap. Likas naman sa kaalaman ng karamihan na maraming mahirap sa pilipinas at ngayon ay mas dumarami pa at nadaragdagan ang bilang nila palaki ng palaki at pahirap ng pahirap ng pilipinas ngunit kasabay ng paghihirap ay pataas ng pataas na mga bilihin sa bawat palengke, tindahan at kung saan pa man.

       Sa darating na pasko at bagong taon ilang putahe na lamang ba ang maihahanda ng mga pilipino sa kanilang hapagkainan dahil sa mataas na mga bilihin, maraming apektado pero maraming mga politiko at tao ang bingi at bulag sa katotohanan na hindi na maganda ang naidudulot ng pagtataas ng mga bilihin, dapat ng baguhin ang sistema dapat ng magbaba ng presyo, yung presyong abot kaya at pantay lang para sa sinusweldo ng mga pilipino sa kanilang trabaho. Dahil, paano na ang mga mahihirap na hindi kayang bilhin yung mga kakailanganin nila sa buhay. Katulad na lamang ng bigas na grabe ang itinaas at sa pagtaas nito nagkakaroon ng pagkahaba haba ng pila para lang makabili ng murang bigas. 

     Kung ngayon palang tumataas na ang bilihin paano na lang sa mga susunod na henerasyon? Dapat isipin din ng mga namumuno yung mga kapakanan ng bawat pilipino. Pataas ng pataas ang bilihin pero ang sweldo hindi nagbabago paano uunlad ang bawat isa kung puro pagtaas ng bilihin ang pinapatupad, Dapat ng pigilan ang ang taas ng mga presyo ng bilihin dahil wala itong magandang naidudulot sa bawat tao.



Inilikha ni: Joy M. Alcantara





                                                          LUPANG HINIRANG 

          Ang mamatay ng dahil sayo ang huling liriko sa pambansang awit ng pilipinas, ito ay kasama na talaga sa liriko ng kanta mula noon pa, may magandang mensahe para sa lahat, na ang pagawit ng pambansang awit ay pagisip na handang mamatay para sa bayan, handang ialay ang buhay. Kay gandang liriko, kay gandang mensahe ang pinaparating para sa bawat isa ngunit ang nasa politiko ay ninanais na palitan ang huling liriko ng pambansang awit na para bang walang pagpapahalaga sa sariling pagmamay ari ng pilipinas, ang tanging pambansang awit na lamang ang di nababago at napapasok ng ibang bansa ngunit ninais itong papalitan, na sa susunod na henerasyon ay ibang liriko na ng kanta ang kanilang aawitin. Sa dami ng isyu sa bansa ay talaganf ang huling liriko pa ng pambansang awit ang nakita, maraming problema ang pilipinas na kailangan solusyunan at ayusin at pagtuunan ng pansin ngunit sa mga bagay na hindi naman na dapat pang pakialaman ay yun pa ang pinoproblema. 

      Hindi na dapat pang palitan ang huling liriko ng awitin dahil ito ay kasama na sa nakasanayan at nakagisnan ng mga pilipino, ito ay pamana ng mga ninuno. hindi na dapat pang palitan dahil wala namang mali sa liriko, wala namang problema na dapat ayusin sa awit na iyon kung kaya't hindi na dapat pang baguhin dahil ito ay mahalaga sa mga pilipino ito ang kanilang pambansang awit na isang pruweba na pagiging malaya ng pilipinas sa mga mananakop na bansa, ang pagkakaroon ng pambansang awit, ito na lamang ang natitirang pagmamay ari ng mga pilipino na hindi pa nasasakop, kung kaya't pag binago ito ay parang binago mo na rin ang susunod na henerasyon. 

         Ang susunod na henerasyon ay ang susunod na pag-asa ng bayan ngunit kung iibahin ang liriko na ang mamatay ng dahil sayo maaaring mag iba na rin ang kanilang pagiisip baka hindi na nila maisip na gawin ang lahat para sa bansa sa halip ay maging takot at huwang ilaban ang sariling bansa. Maraming mga problema na dapat bigyan pansin, maraming kinakaharap ang pilipinas na dapat seryosohin at hindi kasama doon ang huling liriko ng pambansang awit. Dahil ba sa wala ng maisip na isa-batas kung kaya't kung ano-ano na lang ang nakikita kung ano-ano na lang ang naiisip na isabatas kahit wala naman halaga, mga politiko na nais lang masabihan na may silbi at dulot sa bayan? Ngunit wala naman katuturan ang mga ipinapatupad sa dami ng problema ng bansa ay huling liriko pa ng awitin ang nakita, di naman dapat baguhin ngunit nais mabago na parang di nagiisip ng matino, imbis na magbigay ng batas plano na wala naman katuturan maaari bang manahimik na lang at wag ng pakialaman ang mga bagay na di naman dapat pakialaman ang mamatay ng dahil sayo, huling liriko ng awit ay hindi dapat baguhin o palitan pagrespeto na lamang sa mga pilipinong lumaban para sa kalayaan ng bayan at sa mga taong namatay para sa bansa walang dapat baguhin dahil wala namang mali.


Inilikha ni: Angelica C. Amparado





Sanggunian:
https://brainly.ph/question/433178

No comments:

Post a Comment