Labels

Sunday, October 14, 2018

PHOTO ESSAY

PHOTO ESSAY

Isa itong koleksyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na pagkasund-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, damdamin at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.

          #BUHAY







         Sa bawat paggising sa umaga, may ngiting makikita sa labi, dahil sa pagsikat ng araw biglang kikislap sa mga mata na biglang mapapapikit at imumulat ang mga matadahil isa itong hudyat na kailangan mo imulat ang iyong mga mata para harapin ang panibagong hamon sa buhay.



           Katulad ng ilaw na ito may kuryente na magpapailaw dito tulad ng buhay, buhay na kailangan ng lakas ng kalooban at tiwala upang magsilbing gabay sa pagkatatag. Ilaw na sisinagan ka na ipinaramdam ito upang sabihing hindi ka nagiisa na kahit sa paningin mo madilim pero ginawa ito upang mapatnubayan 

ka.









       
        Sa larawang ito, siguro sa isip at sa nararamdaman ng tao na tatapak kang mag-isa sa lupa. Pero hindi iyon senyales na patuloy ka mag isang aapak sa lupa, dahil hindi mo lang napapansin na may mga taong nasa tabi mo na tutulong sayo at sasamahan ka sa lahat ng hamon sa buhay.






Tulad sa larawan na ito, isa sa dahilan na gumabay sa buhay ay ang kaibigan, kaibigan na tutulungan ka may problema man o wala. Sasamahan ka hanggang sa dulo kahit wala kang kasintahan. Nandiyan sila para damayan ka at para umalalay sa mga pagsubok sa buhay.








Inilikha ni: Joy M. Alcantara














      Ang isang lugar ay madilim kapag walang liwanag, Parang sa buhay malulugmok ka sa problema kung di mo alam kung paano ito hawakan ng tama. Ngunit kasama sa buhay ang kadiliman, kasama sa buhay ang mga pagsubok at problema, nasa tao na lang kung paano nila pagliliwanagin muli ang kanilang buhay.






      Ang tao kapag dumadaan sa problema alak ang takbuhan, Alak ang alam nilang sagot, alak ang hinahanap hanap para makalimot imbis na solusyunan ang problema at hanapin ang dahilan para magliwanag ang kanilang buhay lalo pang nagpapakalugmok, lalo pang nagpapalamon sa dilim ng kanilang problema.





      Hindi binigay ng diyos ang mga pagsubok at problema na meron sa buhay ng isang tao para malugmok at magdilim ang iyong buhay ibinigay nya ito sa bawat isa para matuto. Magdidilim ang buhay, dadaan sa mga pagsubok pero sa bawat pagdilim may liwanag na nakaakibat. Sa bawat problema may solusyon at araw na kasama.






      Lulubog ang araw magdidilim ang kalangitan ngunit kadiliman ay panandalian. Lulubog sa problema mawawalan ng pagasa pero ito'y panandalian lamang dahil sa bawat yugto ng ating buhay kaakibat nito ang dilim at liwanag, ang problema at saya. Sa bawat paglubog ng araw panibagong pagasa ang dala. Buhay ay magliliwanag pag iyong nahanap ang iyong halaga.


Inilikha ni: Angelica C. Amparado




Sanggunian:

No comments:

Post a Comment