Labels

Sunday, October 14, 2018

REPLEKTIBONG SANAYSAY

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ito ay nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik tanaw. Ito ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa. Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.


                                                            ISKEYTBORD




          Bakit kung sino pa ang may mga kapansanan sila pa itong mas nagpupursigi sa pagaaral? samantalang sa mga normal na tao hindi magawang magpursigi? mga ilang katanungan para sa may kapansanan na nakita ng isang babae sa isang mall, mga katanungan na biglang papasok sa isip ng isang tao, kapag nakakita ng isang lalaking may kapansanan. Imbis na paa ang kanyang gagamitin panglakad ang tanging paa niya ay ang iskeytbord at ang kanyang kamay ang ginagamit upang umandar ang kanyang sinasakyan. Sobrang nakakadala ng dadamin ang lalaking may kapansanan na ito.


           Bawat tao, may kapansanan man o wala, hindi naiiwasan ang mahusgahan kung ang mga taong normal nga ay nahuhusgasan paano naman kaya ang may mga kapansanan pa? Isang lalaking may kapansanan na handang harapin ang lahat para sa kanyang kinabukasan, na kahit hirap na syang kumilos ginagawa niya parin ito para sa kinabukasan ng kanyang buhay. Sabi nga "kapag gusto maraming paraan, pagayaw maraming dahilan". Kung iisipin ng isang tao na, daig pa ng may kapansanan ang normal na tao, dahil kung sino pa ang walang kapansanan sila pa itong hindi pinagbubutihan ang pagaaral. 


           Kung kaya't sa buhay ng bawat tao dapat hindi binabalewala kung anong binigay ng Diyos maliit man o malaki tanggapin natin ito ng buong buo, Normal man o may kapansanan ang buhay ng bawat isa ay pantay pantay dahil sa mata ng Diyos pantay pantay ang bawat isa walang maganda o pangit walang mayaman at mahirap dahil ang tingin niya sa bawat isa ay iisa lahat ng tao ay mahal nya kahit pa may kulang sakanila. Ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi nakikita ng Diyos na isang hadlang oara mahalin ang bawat tao, dahil lahat ay tanggap niya. binigyan tayo ng buhay ng Diyos para harapin at lumaban sa kung ano man ang pagsubok na dumating sa ating buhay, binibigyan nya ang bawat isa ng problema o pagsubok hindi para pahirapan o sumuko bagkus binibigyan nya ang bawat tao ng pagsubok upang mas maging matapang at handa sa bagong bukas na puno na naman ng pagsubok at laban dahil ang Diyos ay mapagmahal at maaalalalahanin na Diyos ginagawa nya ang lahat para saatin.




Inilikha ni: Joy M. Alcantara





                                                          BROKEN FAMILY

            Tunay ngang ang pagkakaroon ng pamilya ay mahalaga lalo na kung ito ay buo,masaya at magkakasama. Sa panahon ngayon parami na ng parami ang mga kabataang produkto ng broken family at kung minsan ay ang pagkakaroon ng sirang pamilya ang nagiging dahilan kung bakit may mga kabataan na nagrerebelde at nagiiba ang landas na tinatahak at kung minsan ay nagiging dahilan din ng pagkakaroon ng depression dahil sa kawalan ng mga magulang na magaalalay at gagabay ay nalilihis ang landas ng ibang mga kabataan. Ngunit sadyang nakakabilib at kahanga hanga ang mga kabataan na kahit pa produkto ng broken family ay nagpapatuloy pa rin sa buhay at nagpapakatatag at tinatanggap na lamang ang nangyare sa kanilang pamilya.

               Sa panahon ngayon kapag nasa broken family ka ay iniisip na ng ibang tao na mapapariwara na ang iyong buhay at kung ano anong klaseng pangmamaliit at panglalait ang matatanggap sa ibang tao, nagiging pariwara lang naman ang buhay ng isang tao dahil ginusto nya yun pinili nya ang maging ganun dahil sa totoo lang ay maaari naman niyang patunayan sa lahat na magiging matagumpay sya sa buhay at kahit na broken family pa ay hindi na pwedeng maging masaya sa buhay. 

               Nang makilala ko ang isang kaibigan na produkto pala ng isang broken family ay di ko akalain na ganun pala ang sitwasyon ng pamilaya nila dahil makikita mo sa kanyang mukha ang pagiging masayahin at parang walang problema o kung ano pa man na pinagdadaanan sa buhay, hindi ko kailan man narinig sakanya na may galit siyang nararamadaman sa kanyang ama dahil sa pagiwan sakanila bagkus ay tinanggap na lamang nya ang nangyare sa kanilang pamilya, sa tuwing magkasama sila ng kanyang ina ay di mo makikitaan ng bakas ng problema, sila ay isang masayang pamilya kahit pa may kulang sakanila, ang kaibigan kong iyon ang nagpagising sa damdamin ko na pahalagahan ang aking mga magulang at huwag magtanim ng galit dahil lang sa hindi ko sila kasama sa bahay na habang buhay at andiyan pa sila at kumpleto kami ay bigyan importansya ko na ang aking mga magulang dahil maraming kabataan ang nangangarap na makasama nila ang kanilang tatay at nanay, maraming kabataan ang nangangarap ng buong pamilya. 

             Tinuruan ako ng aking kaibigan na maging positibo sa kahit ano pa mang pagsubok ang dumaan sa aking buhay, dahil wala naman mangyayare kung magiging negatibo ka sa mga nangyayare sa iyong buhay, ang mga kabataan na produkto ng isang broken family ngunit pinagpapatuloy parin ang kanilang buhay at pangarap ay isang inspirasyon, dahil pinapakita lamang nila na hindi hadlang ang kahit ano pa mang kakulangan o kakulangan sa pamilya ang mayroon ka sa buhay para hindi mo na ipagpatuloy ang buhay at pangarap, dahil pagkakaroon bg sirang buhay ay hindi dahil sa pagkakaroon ng sirang pamilya dahil tayo ang pumipili ng ang kung anong gusto natin mangyare sa ating buhay.


Inilikha ni: Angelica C. Amparado





Sanggunian:
https://brainly.ph/question/477069

No comments:

Post a Comment