Ang katitikan ng pulong ay naglalaman ng mga bagay at paksang pinag-usapan sa pagpupulong. Nakasulat dito ang mga mahahalagang punto na dapat gawin ng mga naatasang miyembro pati na rin ang iba pang plano ng grupo sa hinaharap.
#43 sampaguita st. Brgy. Holy spirit, Quezon City.
Quezon City
Setyembre
AVR ng Barangay
Mga Dumalo
Angelica Amparado –
Barangay Councilor
Jericko Librada – Barangay Councilor
Veronica Buen –
Barangay Councilor
Joy Alcantara – SK Councilor
Chelsea Cataluna – SK Councilor
Marlyn Bulalayao – SK
Councilor
Jheatris Manalaysay – SK Councilor
Karylle Malana – SK
Councilor
Hindi Dumalo
Panimula
1. Panalangin
2. Fund Raising
Sinimulan ng Punong
Barangay ang pulong sa ganap na ika-2 ng hapon, petsa ika-22 ng Setyembre, 2018
sa pamamagitan ng isang panalangin na nagmula kay Bb. Amparado.
Matapos ang
panalangin ay pinasimulan ng Punong Barangay na si Erwin Evangelista sa
pagpapahayag ng problema na kakulangan sa Pondo ng Barangay at inihayag naman
ni Barangay Councilor Bb. Buen ang kasalukuyang pondo ng Barangay.
Bb. Buen: Base sa record sa ating Barangay tayo ay may
kasalukuyan ₱15,200 na pondo at ang halagang ₱15,200 ay kukulangin upang
maisagawa ang ating mga aktibidad sa susunod na araw.
Nagpatuloy naman ang pagpupulong sa pagtatanong ng Punong
Barangay ng mga suhestiyon upang mapataas ang pondo ng barangay.
Ang unang nagsuhestiyon ay si Barangay Councilor Amparado,
iminungkahi niya na ang Fun Run ay maaaring maging paraan sapagkat nasisigurado
niya na napakaraming sasama sa Fun Run na mga matatanda at mga kabataan. At ang
sumunod ay si Barangay Councilor. Libarada, sinabi niya na ang Liga ay maaaring
maging paraan upang mapataas ang pondo sapagkat ito ay may registration fee at
nakatalagang Quota. Ang huling nagmungkahi ay si Barangay Councilor Bulalayao
at sinabi niya na ang Beauty Pageant ay maaari ring maging paraan sapagkat may
registration fee ito at may itinakdang ticket na kailangan mabenta. Matapos ang
pagmumungkahi, nagkarooon ng botohan sa pagpili ng aktibidad na gagawin upang
mapataas ang pondo.
1. Ang sumang-ayon sa
mungkahi ni Barangay Councilor Amparado ay sina Barangay Sk Councilor Alcantara
at Sk Councilor Manalaysay.
2. Ang sumang-ayon sa Liga ay sina Barangay Councilor
Librada at Sk Councilor Cataluna
3. At sa mungkahi ni Barangay Councilor Bulalayao ay sina
Barangay Councilor Buen at Sk Chairman na si Bb. Malana Napapasyahan na ang Fun
Run at Beauty Contest ang gagawin upang mmapataas ang pondo ng Barangay.
Natapos ang pagtalakay sa unang adyenda ng ika-2:45 ng hapon.
Ang sunod naman na tinalakay ni Punong Barangay Erwin
Evangelista ay pagpapatibay ng kalusugan at kaligtasan ng kabataan sa Barangay.
Hiningan ng Punong Barangay ng suhestiyon at opinyon ang Sk Chairman at Sk
Councilors. Bago hingin ng Punong Barangay ang kanilang mga suhestiyon at
opinyon tinawagan muna nito si Bb. Buen upang maglahad ng impormasyon. Sinabi
ni Barangaay Councilor Buen na 4 out of 10 ng mga kabataan sa kanilang Barangay
ay nakakaranas ng iba't-ibang krimen tulad ng pagdodroga pagiging sangkot sa
rape at ang pagnanakaw 2 out of 10 naman ang mga kabataan na nakakaranas ng
kakulangan sa nutrisyon.
Ang unang nagbigay ng
opinyon upang malutas ang problemang ito ay si Sk Chairman na si Bb. Malana.
Inihayag niya na ang Curfew ay maaring maging solusyon sapagkat ito ay kanila
pang paiigtingin at sila mismong opisyales ng Sk ang mangunguna sa pagronda
tuwing gabi. Ang pangalawang mungkahi ay nagmula kay Sk Councilor Cataluna,
sinabi niya na ang suhestiyon ni Barangay Councilor Librada ay maaaring magamit
sapagkat ito ay maaaring magsilbing ehersisyo ng mga kabataan. Idagdag lamang
ang pagkakaroon ng Zumba tuwing umag. At ang huling mungkahi ay nanggaling kay
Sk Councilor Manalaysay at ito ay ang Feeding Program. Sinang-ayunan ng lahat
ang kanilang mga iminungkahi, kung kaya't ang mga ito ay ipinahintulot na
gawain sa susunod na araw. Natapos ang pagpupulong sa ganap na ika-3:30 ng
hapon.
Inilikha nina: Joy M. Alcantara at Angelica C. Amparado
Sanggunian:
https://brainly.ph/question/643246
No comments:
Post a Comment