Labels

Sunday, October 14, 2018

PAMAGATING PAPEL







Sina Joy M. Alcantara at Angelica C. Amparado ay ang manunulat ng E-portfolio na ito sila ay kapwa magaaral ng Lagro High School at kasalukuyang Grade 12 sa ilalim ng ABM seksyon Friedman.

RUBRIKS

Prologo
20 %
Nilalaman
50 %
Epilogo
20 %
Pagkamalikhain
10 %
KABUUAN
100 %

EPILOGO


         Sa kabuaan ng paggawa ng E-portfolio natutunan ng mga manunulat ang iba't ibang bagay tulad ng pagpapahalaga sa wika, na mahalaga na may kaalaman sa tamang paggamit ng wikang filipino at hindi lamang sa wikang ingles bihasa., natutuhan din ng manunulat na kahit gaano man kahirap ang isang bagay huwang itong sukuan dahil may magandang kapalit ang bawat paghihirap na ginagawa, napagisip isip rin ng manunulat na ang kanilang ginawang E-portfolio ay di lang para sakanila kundi para din sa iba, na makakapagbigay sila ng tulong sa iba.

         Kung titignan ang paggawa ng nilalaman ng E-portfoilo ay napakahirap gawin ang iba't ibang akademikong sulatin ay may kanya kanyang hirap, ngunit pag natapos ito ay labis na kasiyahan ang iyong mararamdaman dahil sa pakiramdan na, na kaya mo at natapos mo kahit mahirap.

AGENDA


AGENDA

Ang agenda ay plano o mga gawain na kailangang gawin. Karaniwang gumagawa ng agenda sa mga pagpupulong kung saan inililista o isinusulat nila ang mga paksang kailangan nilang pag-usapan. 






Mga opisyales sa Barangay AVR ng Barangay 2:00 pm - 3:30 pm Setyembre 22, 2018 Tagapangasiwa: Punong Barangay Erwin Evangelista

 I. INTRODUKSYON 

Agenda : Pagtalakay tungkol sa pagpapataas ng pondo ng Barangay. 
             : Pagtalakay tungkol sa kaligtasan at kalusugan ng kabataan sa Barangay. 

II. Pagtala ng bilang ng mga dumalo 

Ang bilang ng mga dumalo sa pagpupulong ay siyam, Tatlong (3) Barangay Councilor, Apat (4) SK Councilor at isang SK Chairman. 

III.Pagpresenta at pagtalakay sa agenda 

1. Pagtalakay tungkol sa pagpapataas ng pondo ng Barangay. 

a. pagbibigay ng impormasyon tungkol sa natitirang pondo ng Barangay. 
b. Mga suwestiyon para mapataas ang pondo ng Barangay. 

2. Pagtalakay tungkol sa kaligtasan at kalusugan ng kabataan sa Barangay.

a. Mga impormasyon tungkol sa bilang ng mga kabataan na kulang sa nutrisiyon at nasasangkot sa mga krimen na kabataan. 
b. Pagbibigay ng opinyon.

IV. Karagdagang impormasyon 

a. Iskedyul para sa susunod na pulong. 

V. Pangwakas na salita 

a.Pagpapasalamat sa mga dumalo.


Inilikha nina: Joy M. Alcantara at Angelica C. Amparado


Sanggunian:
https://brainly.ph/question/463067

LAKBAY SANAYSAY

LAKBAY SANAYSAY

Ang lakbay sanaysay ay hindi lamang isang uri ng pagsusulat kung saan isinasaad ang uri ng pamumuhay o kultura ng mga tao sa isang lugar. Ito rin ay maaring isulat ng manunulat sa pamamagitan ng pagpunta mismo sa lugar na syang paksa at mula doon ay kanyang ibabahagi sa mga mambabasa ang kanyang mga karanasan, natutunang aral at emosyon habang sya ay nasa lugar na iyon at habang sya ay nakikisalamuha sa mga tao doon. 








        Bago kami tumungo sa pampanga ang amin unang pinuntahan ay ang circle, kung saan isa itong pasyalan dito sa Quezon City. Kilala bilang pasyalan ng mga bata pati narin ng mg matatatanda. May matatagpuan Museo sa loob ng Quezon City Memorial Circle na  dedicated  para sa isa sa mga naging presidente na yumao na si Manuel Quezon.







         Isa ito sa aking napuntahan na lugar noong kami ay nag fieldtrip sa San Guillermo Parish Church na matatagpuan sa Bacolor, Pampanga. Ang mga disenyo nito ay mayroon malaking krus sa itaas ng pintuan at my disenyo itong Baroque at ang pader nito ay yari sa bricks. Isa ito sa mga ginamit na lugar upang kumuha ng isang bidyu na palabas na "May Bukas Pa". Ang kalahati nitong simbahan ay nasunog dahil sa Lahar na nanggaling sa Bulkang Pinatubo. Kahit na napakaluma na ng simbahan na ito, mapapansin mo parin ang tibay ng pagtayo nito.




          
          Ang sunod naming pinuntahan ay ang dinosour island na matatagpuan sa Mabalacat, Pampanga isa itong pasyalan na mayroong mga ibat ibang klase ng dinosaur. Nagtagal kami ng higit isang oras dito upang magsaya at makakuha ng maraming litrato. Sobrang saya sa lugar na ito dahil pinaranas saamin na parang totoo na may isang dinosaur sa harap namin. Sobrang hindi makakalimutan na pangyayari ito.



Inilikha ni: Joy M. Alcantara





Bilang isang kabataan na maraming ginagawa sa eskwelahan at maraming mga dapat na tapusin, at na-iistress Pahinga ang pinaka kailangan, pahinga sa lahat ng bagay na nagdudulot ng stress. Talaga nga namang sadyang kay saya at kay sarap sa pakiramdam kapag nagpapahinga sa tabing dagat. Sadyang kaysaya kapag may outing na nagaganap kasama ang pamilya. dahil iba ang saya kapag kasama ang pamilya sa pagpunta sa ibang lugar, pangarap ko na magpunta pa sa iba't ibang lugar upang makita ang mga magagandang tanawin at mga pinagmamalaki ng pilipinas,. At isa sa mga napuntahan kong lugar ay ang batangas nagpunta kami doon upang magpahinga at kalimutan sandali ang realidad ng buhay at talagang umagaw ng akin pansin ay ang dagat, sadyang kay sarap tignan.




Laiya resort, sa lugar ng batangas isa ito sa napakagandang napuntahan ko. Napakaganda ng mga tanawin dito at nakakarelax sa lugar ng Laiya Resort. Maraming pumupunta dito isa na rito ang mga turista.At marami pang tao na dumadayo rito dahil sa napakagandang lugar at higit sa lahat sulit ang pagbisita maganda din ang serbisyo rito at masarap ang mga pagkain na kanilang hinahain. At kaysarap magpahinga sa bawat silid ng resort dahil magandang tanawin ang bubungad sa iyo, ang payapa ng pakiramdam at tahimik tamang tama para sa mga taong gusto makapagpahinga.





Sa bawat kwarto ay may dalawang higaan at kay lambot na kama na kaysarap higaan at pagpahingahan at sobrang lamig pa dahil sa aircon sulit ang bayad dahil makakapag pahinga ka talaga ng walang iistorbo at napakalinis at lawak pa ng kwarto. At pagkagising mo sa umaga ay kay gandang tanawin ang unang bubungad sayo mga nagluluntian na dahon at dagat na napakasarap liguan mga tanawin na para bang hindi apektabo ng polusyon.





Bukod sa magandang tanawin at magandang serbisyo na binibigay sa resort nais kong bumalik ulit doon upang magkaroon kami ng buong litrato na magkakasamang buong pamilya, mahalaga sakin ang lugar ng laiya resort dahil dito kami unang nagkaroon ng litrato ng aking ina, unang litrato namin dalawa na dalaga na ako, isa sa magandang memoryang mayroon ako dito ay ang litratong kinuhaan mula sa lugar ng laiya resort na kasama ko ang akin ina. 


Inilikha ni: Angelica C. Amparado




Sanggunian:
https://brainly.ph/question/460623

REPLEKTIBONG SANAYSAY

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ito ay nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik tanaw. Ito ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa. Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.


                                                            ISKEYTBORD




          Bakit kung sino pa ang may mga kapansanan sila pa itong mas nagpupursigi sa pagaaral? samantalang sa mga normal na tao hindi magawang magpursigi? mga ilang katanungan para sa may kapansanan na nakita ng isang babae sa isang mall, mga katanungan na biglang papasok sa isip ng isang tao, kapag nakakita ng isang lalaking may kapansanan. Imbis na paa ang kanyang gagamitin panglakad ang tanging paa niya ay ang iskeytbord at ang kanyang kamay ang ginagamit upang umandar ang kanyang sinasakyan. Sobrang nakakadala ng dadamin ang lalaking may kapansanan na ito.


           Bawat tao, may kapansanan man o wala, hindi naiiwasan ang mahusgahan kung ang mga taong normal nga ay nahuhusgasan paano naman kaya ang may mga kapansanan pa? Isang lalaking may kapansanan na handang harapin ang lahat para sa kanyang kinabukasan, na kahit hirap na syang kumilos ginagawa niya parin ito para sa kinabukasan ng kanyang buhay. Sabi nga "kapag gusto maraming paraan, pagayaw maraming dahilan". Kung iisipin ng isang tao na, daig pa ng may kapansanan ang normal na tao, dahil kung sino pa ang walang kapansanan sila pa itong hindi pinagbubutihan ang pagaaral. 


           Kung kaya't sa buhay ng bawat tao dapat hindi binabalewala kung anong binigay ng Diyos maliit man o malaki tanggapin natin ito ng buong buo, Normal man o may kapansanan ang buhay ng bawat isa ay pantay pantay dahil sa mata ng Diyos pantay pantay ang bawat isa walang maganda o pangit walang mayaman at mahirap dahil ang tingin niya sa bawat isa ay iisa lahat ng tao ay mahal nya kahit pa may kulang sakanila. Ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi nakikita ng Diyos na isang hadlang oara mahalin ang bawat tao, dahil lahat ay tanggap niya. binigyan tayo ng buhay ng Diyos para harapin at lumaban sa kung ano man ang pagsubok na dumating sa ating buhay, binibigyan nya ang bawat isa ng problema o pagsubok hindi para pahirapan o sumuko bagkus binibigyan nya ang bawat tao ng pagsubok upang mas maging matapang at handa sa bagong bukas na puno na naman ng pagsubok at laban dahil ang Diyos ay mapagmahal at maaalalalahanin na Diyos ginagawa nya ang lahat para saatin.




Inilikha ni: Joy M. Alcantara





                                                          BROKEN FAMILY

            Tunay ngang ang pagkakaroon ng pamilya ay mahalaga lalo na kung ito ay buo,masaya at magkakasama. Sa panahon ngayon parami na ng parami ang mga kabataang produkto ng broken family at kung minsan ay ang pagkakaroon ng sirang pamilya ang nagiging dahilan kung bakit may mga kabataan na nagrerebelde at nagiiba ang landas na tinatahak at kung minsan ay nagiging dahilan din ng pagkakaroon ng depression dahil sa kawalan ng mga magulang na magaalalay at gagabay ay nalilihis ang landas ng ibang mga kabataan. Ngunit sadyang nakakabilib at kahanga hanga ang mga kabataan na kahit pa produkto ng broken family ay nagpapatuloy pa rin sa buhay at nagpapakatatag at tinatanggap na lamang ang nangyare sa kanilang pamilya.

               Sa panahon ngayon kapag nasa broken family ka ay iniisip na ng ibang tao na mapapariwara na ang iyong buhay at kung ano anong klaseng pangmamaliit at panglalait ang matatanggap sa ibang tao, nagiging pariwara lang naman ang buhay ng isang tao dahil ginusto nya yun pinili nya ang maging ganun dahil sa totoo lang ay maaari naman niyang patunayan sa lahat na magiging matagumpay sya sa buhay at kahit na broken family pa ay hindi na pwedeng maging masaya sa buhay. 

               Nang makilala ko ang isang kaibigan na produkto pala ng isang broken family ay di ko akalain na ganun pala ang sitwasyon ng pamilaya nila dahil makikita mo sa kanyang mukha ang pagiging masayahin at parang walang problema o kung ano pa man na pinagdadaanan sa buhay, hindi ko kailan man narinig sakanya na may galit siyang nararamadaman sa kanyang ama dahil sa pagiwan sakanila bagkus ay tinanggap na lamang nya ang nangyare sa kanilang pamilya, sa tuwing magkasama sila ng kanyang ina ay di mo makikitaan ng bakas ng problema, sila ay isang masayang pamilya kahit pa may kulang sakanila, ang kaibigan kong iyon ang nagpagising sa damdamin ko na pahalagahan ang aking mga magulang at huwag magtanim ng galit dahil lang sa hindi ko sila kasama sa bahay na habang buhay at andiyan pa sila at kumpleto kami ay bigyan importansya ko na ang aking mga magulang dahil maraming kabataan ang nangangarap na makasama nila ang kanilang tatay at nanay, maraming kabataan ang nangangarap ng buong pamilya. 

             Tinuruan ako ng aking kaibigan na maging positibo sa kahit ano pa mang pagsubok ang dumaan sa aking buhay, dahil wala naman mangyayare kung magiging negatibo ka sa mga nangyayare sa iyong buhay, ang mga kabataan na produkto ng isang broken family ngunit pinagpapatuloy parin ang kanilang buhay at pangarap ay isang inspirasyon, dahil pinapakita lamang nila na hindi hadlang ang kahit ano pa mang kakulangan o kakulangan sa pamilya ang mayroon ka sa buhay para hindi mo na ipagpatuloy ang buhay at pangarap, dahil pagkakaroon bg sirang buhay ay hindi dahil sa pagkakaroon ng sirang pamilya dahil tayo ang pumipili ng ang kung anong gusto natin mangyare sa ating buhay.


Inilikha ni: Angelica C. Amparado





Sanggunian:
https://brainly.ph/question/477069

POSISYONG PAPEL

POSISYONG PAPEL


Ang salaysay na posisyong papel ay nagsasabi o nagbabanggit at nagkekwento ng mga kuro-kuro tungkol sa isang paksa at kadalasang may-akda ang nagsusulat nito o ng entidad na tinutukoy katulad ng pulitikal na partido. Naipapasakamay ang mga posisyong papel sa dominyo, pulitika o gobyerno, at paaralan o akademya.




                                                    PAGTAAS NG BILIHIN


       Ang pagtaas ng mga bilihin ay may malaking epekto sa mga pilipino lalo na sa mga pamilyang kapos ang budget at tama lang ang sinasahod, ang pinaka apektado sa pagtaas ng mga bilihin ay ang mga pilipinong mahihirap. Likas naman sa kaalaman ng karamihan na maraming mahirap sa pilipinas at ngayon ay mas dumarami pa at nadaragdagan ang bilang nila palaki ng palaki at pahirap ng pahirap ng pilipinas ngunit kasabay ng paghihirap ay pataas ng pataas na mga bilihin sa bawat palengke, tindahan at kung saan pa man.

       Sa darating na pasko at bagong taon ilang putahe na lamang ba ang maihahanda ng mga pilipino sa kanilang hapagkainan dahil sa mataas na mga bilihin, maraming apektado pero maraming mga politiko at tao ang bingi at bulag sa katotohanan na hindi na maganda ang naidudulot ng pagtataas ng mga bilihin, dapat ng baguhin ang sistema dapat ng magbaba ng presyo, yung presyong abot kaya at pantay lang para sa sinusweldo ng mga pilipino sa kanilang trabaho. Dahil, paano na ang mga mahihirap na hindi kayang bilhin yung mga kakailanganin nila sa buhay. Katulad na lamang ng bigas na grabe ang itinaas at sa pagtaas nito nagkakaroon ng pagkahaba haba ng pila para lang makabili ng murang bigas. 

     Kung ngayon palang tumataas na ang bilihin paano na lang sa mga susunod na henerasyon? Dapat isipin din ng mga namumuno yung mga kapakanan ng bawat pilipino. Pataas ng pataas ang bilihin pero ang sweldo hindi nagbabago paano uunlad ang bawat isa kung puro pagtaas ng bilihin ang pinapatupad, Dapat ng pigilan ang ang taas ng mga presyo ng bilihin dahil wala itong magandang naidudulot sa bawat tao.



Inilikha ni: Joy M. Alcantara





                                                          LUPANG HINIRANG 

          Ang mamatay ng dahil sayo ang huling liriko sa pambansang awit ng pilipinas, ito ay kasama na talaga sa liriko ng kanta mula noon pa, may magandang mensahe para sa lahat, na ang pagawit ng pambansang awit ay pagisip na handang mamatay para sa bayan, handang ialay ang buhay. Kay gandang liriko, kay gandang mensahe ang pinaparating para sa bawat isa ngunit ang nasa politiko ay ninanais na palitan ang huling liriko ng pambansang awit na para bang walang pagpapahalaga sa sariling pagmamay ari ng pilipinas, ang tanging pambansang awit na lamang ang di nababago at napapasok ng ibang bansa ngunit ninais itong papalitan, na sa susunod na henerasyon ay ibang liriko na ng kanta ang kanilang aawitin. Sa dami ng isyu sa bansa ay talaganf ang huling liriko pa ng pambansang awit ang nakita, maraming problema ang pilipinas na kailangan solusyunan at ayusin at pagtuunan ng pansin ngunit sa mga bagay na hindi naman na dapat pang pakialaman ay yun pa ang pinoproblema. 

      Hindi na dapat pang palitan ang huling liriko ng awitin dahil ito ay kasama na sa nakasanayan at nakagisnan ng mga pilipino, ito ay pamana ng mga ninuno. hindi na dapat pang palitan dahil wala namang mali sa liriko, wala namang problema na dapat ayusin sa awit na iyon kung kaya't hindi na dapat pang baguhin dahil ito ay mahalaga sa mga pilipino ito ang kanilang pambansang awit na isang pruweba na pagiging malaya ng pilipinas sa mga mananakop na bansa, ang pagkakaroon ng pambansang awit, ito na lamang ang natitirang pagmamay ari ng mga pilipino na hindi pa nasasakop, kung kaya't pag binago ito ay parang binago mo na rin ang susunod na henerasyon. 

         Ang susunod na henerasyon ay ang susunod na pag-asa ng bayan ngunit kung iibahin ang liriko na ang mamatay ng dahil sayo maaaring mag iba na rin ang kanilang pagiisip baka hindi na nila maisip na gawin ang lahat para sa bansa sa halip ay maging takot at huwang ilaban ang sariling bansa. Maraming mga problema na dapat bigyan pansin, maraming kinakaharap ang pilipinas na dapat seryosohin at hindi kasama doon ang huling liriko ng pambansang awit. Dahil ba sa wala ng maisip na isa-batas kung kaya't kung ano-ano na lang ang nakikita kung ano-ano na lang ang naiisip na isabatas kahit wala naman halaga, mga politiko na nais lang masabihan na may silbi at dulot sa bayan? Ngunit wala naman katuturan ang mga ipinapatupad sa dami ng problema ng bansa ay huling liriko pa ng awitin ang nakita, di naman dapat baguhin ngunit nais mabago na parang di nagiisip ng matino, imbis na magbigay ng batas plano na wala naman katuturan maaari bang manahimik na lang at wag ng pakialaman ang mga bagay na di naman dapat pakialaman ang mamatay ng dahil sayo, huling liriko ng awit ay hindi dapat baguhin o palitan pagrespeto na lamang sa mga pilipinong lumaban para sa kalayaan ng bayan at sa mga taong namatay para sa bansa walang dapat baguhin dahil wala namang mali.


Inilikha ni: Angelica C. Amparado





Sanggunian:
https://brainly.ph/question/433178

KATITIKAN

KATITIKAN

Ang katitikan ng pulong ay naglalaman ng mga bagay at paksang pinag-usapan sa pagpupulong. Nakasulat dito ang mga mahahalagang punto na dapat gawin ng mga naatasang miyembro pati na rin ang iba pang plano ng grupo sa hinaharap.



#43 sampaguita st. Brgy. Holy spirit, Quezon City.
Quezon City
Setyembre
AVR ng Barangay

Mga Dumalo

Angelica Amparado – Barangay Councilor
Jericko Librada – Barangay Councilor
Veronica Buen – Barangay Councilor
Joy Alcantara – SK Councilor
Chelsea Cataluna – SK Councilor
Marlyn Bulalayao – SK Councilor
Jheatris Manalaysay – SK Councilor
Karylle Malana – SK Councilor

Hindi Dumalo

 Panimula

 1. Panalangin
 2. Fund Raising

Sinimulan ng Punong Barangay ang pulong sa ganap na ika-2 ng hapon, petsa ika-22 ng Setyembre, 2018 sa pamamagitan ng isang panalangin na nagmula kay Bb. Amparado.

Matapos ang panalangin ay pinasimulan ng Punong Barangay na si Erwin Evangelista sa pagpapahayag ng problema na kakulangan sa Pondo ng Barangay at inihayag naman ni Barangay Councilor Bb. Buen ang kasalukuyang pondo ng Barangay.

Bb. Buen: Base sa record sa ating Barangay tayo ay may kasalukuyan ₱15,200 na pondo at ang halagang ₱15,200 ay kukulangin upang maisagawa ang ating mga aktibidad sa susunod na araw.
Nagpatuloy naman ang pagpupulong sa pagtatanong ng Punong Barangay ng mga suhestiyon upang mapataas ang pondo ng barangay.

Ang unang nagsuhestiyon ay si Barangay Councilor Amparado, iminungkahi niya na ang Fun Run ay maaaring maging paraan sapagkat nasisigurado niya na napakaraming sasama sa Fun Run na mga matatanda at mga kabataan. At ang sumunod ay si Barangay Councilor. Libarada, sinabi niya na ang Liga ay maaaring maging paraan upang mapataas ang pondo sapagkat ito ay may registration fee at nakatalagang Quota. Ang huling nagmungkahi ay si Barangay Councilor Bulalayao at sinabi niya na ang Beauty Pageant ay maaari ring maging paraan sapagkat may registration fee ito at may itinakdang ticket na kailangan mabenta. Matapos ang pagmumungkahi, nagkarooon ng botohan sa pagpili ng aktibidad na gagawin upang mapataas ang pondo.

1. Ang sumang-ayon sa mungkahi ni Barangay Councilor Amparado ay sina Barangay Sk Councilor Alcantara at Sk Councilor Manalaysay.

2. Ang sumang-ayon sa Liga ay sina Barangay Councilor Librada at Sk Councilor Cataluna

3. At sa mungkahi ni Barangay Councilor Bulalayao ay sina Barangay Councilor Buen at Sk Chairman na si Bb. Malana Napapasyahan na ang Fun Run at Beauty Contest ang gagawin upang mmapataas ang pondo ng Barangay. Natapos ang pagtalakay sa unang adyenda ng ika-2:45 ng hapon.
 
Ang sunod naman na tinalakay ni Punong Barangay Erwin Evangelista ay pagpapatibay ng kalusugan at kaligtasan ng kabataan sa Barangay. Hiningan ng Punong Barangay ng suhestiyon at opinyon ang Sk Chairman at Sk Councilors. Bago hingin ng Punong Barangay ang kanilang mga suhestiyon at opinyon tinawagan muna nito si Bb. Buen upang maglahad ng impormasyon. Sinabi ni Barangaay Councilor Buen na 4 out of 10 ng mga kabataan sa kanilang Barangay ay nakakaranas ng iba't-ibang krimen tulad ng pagdodroga pagiging sangkot sa rape at ang pagnanakaw 2 out of 10 naman ang mga kabataan na nakakaranas ng kakulangan sa nutrisyon.


Ang unang nagbigay ng opinyon upang malutas ang problemang ito ay si Sk Chairman na si Bb. Malana. Inihayag niya na ang Curfew ay maaring maging solusyon sapagkat ito ay kanila pang paiigtingin at sila mismong opisyales ng Sk ang mangunguna sa pagronda tuwing gabi. Ang pangalawang mungkahi ay nagmula kay Sk Councilor Cataluna, sinabi niya na ang suhestiyon ni Barangay Councilor Librada ay maaaring magamit sapagkat ito ay maaaring magsilbing ehersisyo ng mga kabataan. Idagdag lamang ang pagkakaroon ng Zumba tuwing umag. At ang huling mungkahi ay nanggaling kay Sk Councilor Manalaysay at ito ay ang Feeding Program. Sinang-ayunan ng lahat ang kanilang mga iminungkahi, kung kaya't ang mga ito ay ipinahintulot na gawain sa susunod na araw. Natapos ang pagpupulong sa ganap na ika-3:30 ng hapon.


Inilikha nina: Joy M. Alcantara at Angelica C. Amparado



Sanggunian:
https://brainly.ph/question/643246



PHOTO ESSAY

PHOTO ESSAY

Isa itong koleksyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na pagkasund-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, damdamin at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.

          #BUHAY







         Sa bawat paggising sa umaga, may ngiting makikita sa labi, dahil sa pagsikat ng araw biglang kikislap sa mga mata na biglang mapapapikit at imumulat ang mga matadahil isa itong hudyat na kailangan mo imulat ang iyong mga mata para harapin ang panibagong hamon sa buhay.



           Katulad ng ilaw na ito may kuryente na magpapailaw dito tulad ng buhay, buhay na kailangan ng lakas ng kalooban at tiwala upang magsilbing gabay sa pagkatatag. Ilaw na sisinagan ka na ipinaramdam ito upang sabihing hindi ka nagiisa na kahit sa paningin mo madilim pero ginawa ito upang mapatnubayan 

ka.









       
        Sa larawang ito, siguro sa isip at sa nararamdaman ng tao na tatapak kang mag-isa sa lupa. Pero hindi iyon senyales na patuloy ka mag isang aapak sa lupa, dahil hindi mo lang napapansin na may mga taong nasa tabi mo na tutulong sayo at sasamahan ka sa lahat ng hamon sa buhay.






Tulad sa larawan na ito, isa sa dahilan na gumabay sa buhay ay ang kaibigan, kaibigan na tutulungan ka may problema man o wala. Sasamahan ka hanggang sa dulo kahit wala kang kasintahan. Nandiyan sila para damayan ka at para umalalay sa mga pagsubok sa buhay.








Inilikha ni: Joy M. Alcantara














      Ang isang lugar ay madilim kapag walang liwanag, Parang sa buhay malulugmok ka sa problema kung di mo alam kung paano ito hawakan ng tama. Ngunit kasama sa buhay ang kadiliman, kasama sa buhay ang mga pagsubok at problema, nasa tao na lang kung paano nila pagliliwanagin muli ang kanilang buhay.






      Ang tao kapag dumadaan sa problema alak ang takbuhan, Alak ang alam nilang sagot, alak ang hinahanap hanap para makalimot imbis na solusyunan ang problema at hanapin ang dahilan para magliwanag ang kanilang buhay lalo pang nagpapakalugmok, lalo pang nagpapalamon sa dilim ng kanilang problema.





      Hindi binigay ng diyos ang mga pagsubok at problema na meron sa buhay ng isang tao para malugmok at magdilim ang iyong buhay ibinigay nya ito sa bawat isa para matuto. Magdidilim ang buhay, dadaan sa mga pagsubok pero sa bawat pagdilim may liwanag na nakaakibat. Sa bawat problema may solusyon at araw na kasama.






      Lulubog ang araw magdidilim ang kalangitan ngunit kadiliman ay panandalian. Lulubog sa problema mawawalan ng pagasa pero ito'y panandalian lamang dahil sa bawat yugto ng ating buhay kaakibat nito ang dilim at liwanag, ang problema at saya. Sa bawat paglubog ng araw panibagong pagasa ang dala. Buhay ay magliliwanag pag iyong nahanap ang iyong halaga.


Inilikha ni: Angelica C. Amparado




Sanggunian:

PROLOGO


       Sina Joy M. Alcantara at Angelica C. Amparado ay nagsama sa paggawa ng blog upang maging isang E-portfolio. Ang E-portfolio ay isang portfolio na naglalaman ng iba't ibang akademikong sulatin mula sa asignaturang pagsulat sa piling larangan ito ay naglalaman ng mga kaalaman na maghahatid ng tulong sa iba. 

      Silang dalawa ay may sagisag panulat na malipayon at maisog dalawang na masayahin at matapang. May saya sa pagharap sa kung ano man ang problemang kinakaharap at may tapang upang malagpasan o kayanin at hindi sukuan ang mga hamon sa kanilang buhay.

    Pinangalanan ng mga manunulat ang E-portfolio ng PAKANA na ang ibig sabihin ay Pagbibigay Kaalaman sa iba ng mga Natutunan. Sapagkat layunin ng mga manunulat na makapagbigay kaalaman bilang tulong sa iba tungkol sa iba't ibang akademikong sulatin, tulong na para sa mga estudyante na nangangailangan ng kasagutan patungkol sa akademikong sulatin. 

    Ang E-portfolio na ito ay para sa mga taong nangangailangan ng tulong tungkol sa akademikong sulatin, ang kaalaman na nakapaloob sa E-portfolio ay hindi lamang para sa mga mag-aaral kundi para sa mga taong nais matuto at madagdagan ang kaalaman. Pinapasalamatan ng mga manunulat ang kanilang mga kaibigan na walang sawang tumulong at magpalakas ng kanilang loob sa pagtapos ng blog, ganun na rin sa kanilang guro na nagturo at nagbahagi ng kaniyang nalalaman sa mga akademikong sulatin at sa pagbibigay ng pagkakataon na maibahagi ng mga manunulat ang kanilang nalalaman sa pamamagitan ng blog.